READ: Jeyrick Sigmaton a.k.a Carrot Man, matindi ang pagnanais na muling makapag-aral
Ano pa ang mga pangarap ng tinaguriang Igorot Bae? Alamin sa exclusive interview ni Jeyrick sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'
By AEDRIANNE ACAR
Pinag-usapan noong nakaraang linggo sa social media ang viral photo ng isang Igorot farmer na talaga namang certified bae.
Nakilala ang naturang binata na si Jeyrick Sigmaton a.k.a Carrot Man dahil sa angking kaguwapuhan nito at sinabi rin ng mga netizens na marami itong kamukha na sikat na celebrities.
Ilan sa mga kahawig niya ay ang mga Korean actors na sina Lee Min Ho, Jang Geun Suk at Taiwanese star na si Vic Zhou. Sa mga local celebs naman, kamukha daw ni Carrot Man ang Pambansang Bae Alden Richards at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
IN PHOTOS: Sino-sinong artista ang kamukha ni Carrot Man?
A photo posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (@km_jessica_soho) on
Sa exclusive interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kay Jeyrick na ipinalabas kagabi (February 28), sinabi nito na proud siya na naging viral ang photo niya sa social media.
Ani Carrot Man, “Proud ako na nakilala ‘yung picture ko dahil dun nagkaroon uli ng interest ang mga tao sa Mountain Province at 'tsaka sa Igorot.”
Ang mga larawan na inupload nina Chee-Nee De Guzman at Edwina Bandong ang tila naging susi ni Jeyrick para maabot ang kasikatan.
Ayon sa kuwento nila Chee-Nee at Edwina sa KMJS nang nakita nila si Jeyrick nang sila ay patungong Sagada upang magbakasyon noong February 6, 2016.
Ang buhay ni Jeyrick
Panganay sa pitong magkakapatid si Jeyrick at sila ay nakatira sa Brgy. Ogo-og, Kadaclan, Barlig sa probinsiya ng Mountain Province. Kabilang siya sa Igorot tribe na Ekachakran.
Ayon sa ulat ng KMJS, sa hirap ng buhay nila Jeyrick kinailangan na niyang tumigil sa pag-aaral noong maka-graduate ng Grade 6 para tulungan ang kanyang mga magulang.
Nais daw ng binata na guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya at kung may pagkakataon ay makabalik sa paaralan.
“Pangarap ko po sa akin mga magulang sana at sa akin mga kapatid sana guminhawa ang buhay namin ganun po. Tapos magkaroon ng sariling farm para hindi na po mangungupahan.
“Mahirap ang buhay dun sa amin dahil kundi ka nag-trabaho wala kang kakainin ganun tatambay-tambay lang. Kung may perang magagamit eh gusto ko sana ipagpatuloy para makatapos ng pag-aaral ganun.”
Sa kabila ng kasikataan na tinatamasa ngayon ni Jeyrick, may simpleng payo ang ama nito na si Melvin Sigmaton.
“May isip na siya, Ang masasabi ko na lang kay Jeyrick ay magpakabait siya. Sana ipagpatuloy niya ‘yung kasikataan [sic] niya. Gamitin niya sa tama.”
MORE ON CARROT MAN:
'Cabbage Man' steals the spotlight from 'Carrot Man,' as his photo creates buzz online!
Carrot Man memes nagsulputan sa social media
Who is 'Carrot Man' and why is he taking social media by storm?