Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap's proposal video

Updated On: February 19, 2020, 07:05 PM

Maghanda na kayo ng tissue bago panoorin ang nakakaiyak na proposal ni Arthur kay Rochelle. 

By ANICA SAMODIO 

Noong February 20, nag-propose ang Kapuso star na si Arthur Solinap sa kanyang long-time girlfriend na si Rochelle Pangilinan sa Balay Indang, Cavite. 

Ngayong Lunes (February 22), nilabas ng Nice Print Photography ang proposal video ng dalawa.

Ipinakita sa simula ng video ang preparasyon at paghahanap ng perfect spot ni Arthur Solinap para sa kanyang espesyal na sorpresa kay Rochelle. Bago ang lahat, nagpaalam muna si Arthur sa buong pamilya ni Rochelle at binisita rin niya ang puntod ng yumaong ama nito.

“Gusto kong magpaalam sa kanya na gusto kong pakasalan ang kanyang anak,” sabi ni Arthur sa kanyang vlog.

Nakasama sa video ang mga mahal sa buhay nina Rochelle at Arthur na nagtipon-tipon sa Balay Indang, Cavite kung saan unang nagkakilala ang dalawa.

Dumating sila sa destinasayon nang walang kaalam-alam si Rochelle at nagka-idea lang ang former SexBomb dancer nang dalhin siya sa isang romantic gazebo kung saan naghihintay si Arthur.

“'Di ba lagi kitang kinakantahan ng ayoko tumanda pero ang totoo lang ayoko tumanda nang hindi ka kasama. Lagi nating sinasabi na okay lang basta magkasama tayo parati,” ani Arthur sa kanyang speech.

Hindi na napigilan ni Rochelle ang kanyang mga luha nang lumuhod si Arthur at tanungin siya ng "Will you marry me?"

Nagtapos ang proposal sa isang magarbong fireworks display. Nanood ang dalawa habang magkaakap sa unang pagkakataon bilang engaged couple.

Panoorin ang buong video at saksihan ang proposal ni Arthur kay Rochelle:

Video courtesy of Nice Print Photography

MORE ON ROCHELLE AND ARTHUR'S ENGAGEMENT:

LOOK: Engagement ring ni Rochelle Pangilinan galing kay Arthur Solinap

Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.