'Heneral Luna' star John Arcilla, sasabak sa light drama comedy via 'That's My Amboy'
"'Yung comedy niya sakay ko agad. Tapos 'pag meron akong sinabi, sakay din niya agad. Ang sarap 'pag ganun nangyari." - John Arcilla
By GIA ALLANA SORIANO
Ang bida sa 'Heneral Luna' na si John Arcilla ay ang magiging stuntman na tatay ni Maru Carreon, na gagampanan naman ni Barbie Forteza, sa romcom serye na 'That's My Amboy!'
READ: Si 'Heneral Luna' ay si Tatay Lito sa 'That's My Amboy'
Sa report ni Lar Santiago sa '24 Oras,' sinabi ng aktor na "isang magandang shift" ang pagkakapasok niya sa show.
Ika niya, "Maganda 'to kasi ibang-iba, isang magandamg shift magmula doon sa 'Heneral Luna.' Nagpapaligaya ka ng tao [dito sa 'That's My Amboy,'] nagpapatawa ka. Pero, although, si Heneral Luna naman talaga may pagka-witty din, diba?"
First time namang makakatrabaho ni John si Barbie, ano kaya ang first impression niya sa aktres?
???? Si Heneral Luna este si Tatay Lito ko!!! ???????????? #ILOVEMYJOB #ThatsMyAmboy
A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on
Kuwento niya, "Iba ang kulit niya [ni Barbie.] 'Yung kulit na hindi nawawala sa eksena, andun pa rin. Tapos ang sarap sakyan kasi very spontaneous, hindi pilit. At saka I think click kaming dalawa 'pag naglolokohan kami. 'Yung comedy niya sakay ko agad. Tapos 'pag meron akong sinabi, sakay din niya agad. Ang sarap 'pag ganun nangyari."
Dagdag pa niya, "Kahit sa behind the scenes ganun kaming dalawa."
READ: Barbie Forteza very excited maka-trabaho ang bida sa Heneral Luna na si John Arcilla
Abangan ang 'That's My Amboy' ngayong January 25 na sa GMA Telebabad!