Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Camille Prats, nagbahagi ng ilang detalye para sa kanyang kasal

Updated On: March 3, 2020, 06:23 AM

Ayon kay Camille, January 2017 pa raw nakatakda ang kanilang kasal. At sa kasalukuyan, nasa U.S. naman si VJ para ayusin ang kanyang citizenship.

By MARAH RUIZ

 

A photo posted by Camille Prats (@camilleprats) on

Mula nang ma-engage sa kanyang nobyong si VJ Yambao noong July last year, marami nang excited malaman ang mga plano ni Camille Prats para sa kanyang kasal.

Ayon kay Camille, January 2017 pa raw nakatakda ang kanilang kasal. At sa kasalukuyan, nasa U.S. naman si VJ para ayusin ang kanyang citizenship. Hindi rin naman daw siya masyadong nahihirapan sa mga preparasyon kahit wala sa bansa ang kanyang fiance.

READ: Camille Prats nakasungkit ng bituin sa Walk of Fame pagkatapos ng 23 years sa showbiz

"With the help of technology, it's easier to communicate pati sa pagdedesisyon. Gusto ko naman na marami din siyang magawa or kung ano 'yung gusto niya, mangyari din sa kasal namin and for our house," kuwento niya.

"Tapos may Viber group na kasama siya. Kapag may mga meetings naka-loop din siya doon sa minutes ng meeting para alam din niya kung ano 'yung nangyayari," dagdag ni Camille.

Isang intimate wedding daw ang plano nila at gaganapin ito sa resort nila Camille sa Batangas.

"Its going to be an outdoor wedding playing with colors. Gusto ko kasi may rustic na feel, maraming ilaw. Basta relaxed lang siya," ayon dito.

READ: Mark Anthony Fernandez itinuturing na lucky charm si Camille Prats

Mayroon na din siyang napiling magdidisenyo ng kanyang gown.

"Si Patricia Santos. She's a dear friend. Hindi pa namin na-finalize 'yung tela, 'yung design palang," paliwanag ni Camille.

Bukod sa kanyang wedding preparations, busy din si Camille sa kanyang bagong drama na 'Wish I May'. Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 'Eat Bulaga' sa GMA Afternoon Prime.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.