Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Ano-ano ang mga wishes ng 'Wish I May' cast

Updated On: March 15, 2020, 11:22 AM

Bukod sa magandang blessing na ito, ibinahagi ng cast ang iba pang hangad nila para sa taong 2016.

By MARAH RUIZ

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Maganda ang pasok ng taon para sa cast ng Wish I May dahil ang kanilang programa ang pinakaunang mapapanood sa lahat ng mga bagong serye na pinaplano ng GMA ngayong taong.

Bukod sa magandang blessing na ito, ibinahagi ng cast ang iba pang hangad nila para sa taong 2016.

WATCH: 'Wish I May,' mamaya na

Miguel Tanfelix
Ang wish ko para sa show na ito is magtagal din kami. Siyempre [sana] maging successful 'to at lahat ng tapings namin magandang dumating. Good vibes lang Ang wish ko naman para sa akin and sa mga taong nakapaligid sa akin—family friends at lahat—sana maging healthy kami palagi at magtutulungan kaming lahat. At 'yun, more projects din, more friends.

Bianca Umali
Simple lang naman po yung wish ko for 2016. Ang gusto ko is sana po magkaroon po ng happy, healthy and especially, a blessed year, not only for myself but also for everyone around.

Camille Prats
For my family, siyempre good health lang lagi kong dasal para sa amin lahat, at maging masaya. At saka yung wish ko for this show is that—kasi alam ko a lot of people will always say na kung kaya bang higitan, lagpasan, tapatan yung The Half Sisters. Ang wish ko lang is for everyone to give Wish I May a chance. We have a really good premise, we have a good story, great creative team, great production. We're really working hard to really make this show na talagang maging more than entertaining, mahalin, yakapin ng ating audience. Ang wish ko po ay bigyan niyo kami ng chance na maibigay sa inyo 'yun.

Rochelle Pangilinan
Susundan ko na din po yung kay Camille. Ang wish ko po ay, bukod sa good health ng pamilya nating lahat, pamilya ko, wish ko lang po na huwag po kayong magsawang suportahan kami sa Wish I May. Sana matulungan niyo po kami ng bonggang bongga!

Alessandra de Rossi
Ang goal ko lang naman ngayong 2016, sinabi ko na mag-iipon ako. So ang wish ko, maraming trabaho para matupad naman 'yung goal ko.

Glydel Mercado
Ang wish ko na lang is for all of us na sana we will have more blessings to come pa, and world peace.

Neil Ryan Sese
Sana suportahan niyo kami at tulungan sa pag-promote ng show namin. At saka more blessings, health at saka love for 2016.

Ash Ortega
Itong 2016 sana maging lucky year ko. Sana maraming projects. May tiwala naman ako sa Artist Center. Alam kong hindi naman nila ko pababayaan. Siyempre 'yung studies ko rin, kasi itong coming school year mag-fi-first year college ako ng interior [design]. Sana masabay ko siya sa showbiz. At saka siyempre good health.

Prince Villanueva
Una sa lahat, sana mas tumagal pa itong show na ito na Wish I May. Wish nating lahat 'yun, 'di ba? Sana more projects din and sana maging lucky year ko din, tulad ng sinabi ni Ash.

Sancho delas Alas
Sana umusbong 'yung restaurant ko. Katulad po nila, magkaroon po ng bagong projects and gusto ko pa pong matutuo sa craft ng pag-arte.

LOOK: Wish I May press conference

Mapapanood na ang Wish I May sa GMA Afternoon Prime, simula January 18, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.