Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Fans ni Kuya Germs, naghandog ng munting regalo sa kanyang mga naulila

Updated On: March 13, 2020, 07:18 PM

Tingnan ang painting ng isang payaso na handog ng mga tagahanga ng Master Showman. 

By BEA RODRIGUEZ

Pumanaw na noong nakaraang linggo ang ating pinakamamahal na Master Showman, si German “Kuya Germs” Moreno. Hindi lang mga kamag-anak at mga kaibigan ang dumalo sa burol niya, kundi pati na ang kanyang mga tagahanga.

Binista ng mag-asawang Charmaine at Michael Montanes mula Bacoor, Cavite ang kanilang iniidolong showbiz icon sa GMA Network noong Miyerkules (January 13). May dala-dala silang mga litrato ni Kuya Germs na gawa sa pagpipinta.

READ: Mga anak-anakan at fans ni Kuya Germs, nakiramay sa huling gabi ng kanyang burol sa Mt. Carmel Shrine

Isang masayahing Kuya Germs ang matatandaan ni Charmaine tungkol sa beteranong television host, “Inspiration din po kasi before po, bago po ako nag-paint, nagte-theater din po ako kaya po inspired din po kami sa kanya.”

Mahilig magpinta ang dalawa at plano sana nilang iabot sa Master Showman noong nakaraang taon matapos maka-recover siya sa kanyang mild stroke pero hindi nila nagawa ito kaya ibibigay na lang nila ang painting sa mga naulilang kamag-anak ng namayapang Kapuso.

Kilala rin si Kuya Germs bilang isang komedyante at ang kanyang pinakasikat na role ay ang maging payaso kaya ito ang naisip ni Michael na iguhit.

Saad niya sa report ng Unang Hirit, “Alam ko po kasi medyo mahilig po siya sa clown po, bali ‘yun po ‘yung mga kinokolekta niya.”

Ito sana ang kanilang munting handog para sa Master Showman dahil sa kanyang mga nagawa para sa industriya. Dagdag ni Charmaine, “Thank you po sa kanya, sa nabigay po niyang pagpapasaya sa mga tao.”

LOOK: The contributions of German ‘Kuya Germs’ Moreno to the entertainment industry

Naihatid na sa huling hantungan si Kuya Germs kahapon (January 14) sa Loyola Memorial Park sa Marikina City kung saan dinaluhan ito ng kanyang pamilya, mga kaibigan, mga anak-anakan sa showbiz at mga tagahanga.


Video courtesy of GMA News 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.