Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga nakasama sa 'The Half Sisters'

Updated On: October 30, 2020, 05:38 PM

Hindi nakalimutan ni Barbie Forteza na magpasalamat sa kanyang cast and crew ng 'The Half Sisters.'

By MICHELLE CALIGAN

Halos dalawang taon ang itinakbo ng longest Afternoon Prime series na The Half Sisters, kaya hindi maitatangging naging malapit sa isa't isa at halos pamilya na ang turingan ng cast at production team.

Kaya naman sa pagtatapos ng teleseryeng ito ngayon, January 15, hindi nakalimutan ni Barbie Forteza na magpasalamat sa kanyang mga nakasama through an Instagram post.

READ: The Half Sisters holds their last taping day

 

A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on


"Ang naging pamilya ko ng isa't kalahating taon. Nagkaron man ng mga problema, nagagawan din naman ng paraan at pag lumipas ay pinagtatawanan nalang namin ang mga yon Sa tinagal ng show na to, nasaulo na namen ang isa't isa. Sobrang hindi ko makakalimutan ang show na to, I swear!" she began her heartfelt caption.

Inisa-isa rin niya pinasalamatan ang cast at crew. "From our directors, Mark Reyes, Rommel Penesa and Ms. Gina Alajar. The cast, the ageless fab fam! Ms. Jean, Papa Joms, Chef Mel, Kuya Ry, Tito Gardo, Ruru, Buboy, Sanya at siyempre, my dear half sister Thea. Sa aming napakapasensyosong staff, Ms. Winnie, Ate Ketket, Kuya Ambo, Kuya Al, Ate Cj, Ivor, Ate Jessica, Poca, Dino, Buchok, Rhonnel. Sa aming crew na kahit pagod na ay lagi parin akong pinapaupo pag nakikita nila kong nakatayo. Sa aming assistant directors, Direk Aurel at Direk Shirley na matiyagang nagmomotivate samin pag mabibigat ang mga eksena. MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT. Mahal na mahal ko kayo!!!!!!!"

READ: Barbie Forteza, pinigilang umiyak sa last taping day ng 'The Half Sisters'

Muling mapapanood ang love team nina Barbie Forteza at Andre Paras sa That's My Amboy sa GMA Telebabad ngayong Enero.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.