Maine Mendoza, taos puso ang pasasalamat sa Master Showman
Dumalaw si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa huling gabi ng burol ni Kuya Germs
By AEDRIANNE ACAR
Busy man sa kalye-serye ng 'Eat Bulaga' at kabi-kabilang showbiz commitments, hindi nakalimutan dumalaw ni Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa huling gabi ng burol ni Kuya Germs sa Mount Carmel church sa Quezon City.
READ: How concerned is Maine Mendoza about Alden Richards's well-being?
Sa panayam sa 'Eat Bulaga' star sa 'Saksi' kagabi (January 12), sinabi ng dalaga na malaki ang utang na loob niya sa nag-iisang Master Showman.
Aniya, "Hindi naman talaga kami close or hindi naman kami nagkaroon much time together, pero 'yung na-recognize niya 'yung AlDub and 'yung tatlong lolas para bigyan sa Walk of Fame, 'yun sobrang laking bagay para sa akin 'yun."
"Kaya kahit hindi man kami ganung nagkakilala nang matagal, sobrang na-touch talaga 'yung buhay ko kasi hindi ko in-expect na ma-achieve ko yong ganung bagay so malaki 'yung pasasalamat ko sa kaniya," dagdag pa ni Maine.
A photo posted by aldub_eb® (@aldub_eb) on
A photo posted by GMA News (@gmanews) on
Nakatakdang dalhin ngayong araw ang labi ni Kuya Germs sa GMA Network Center para magdaos ng isang misa at necrological service para sa yumaong legendary TV host.