Balikan ang mga huling TV appearances ng Master Showman
Panoorin ito sa espesyal na ulat ni Nelson Canlas ng '24 Oras.'
By FELIX ILAYA
Bilang pagbibigay pugay kay Master Showman German "Kuya Germs" Moreno, mayroong espesyal na ulat si Nelson Canlas sa 24 Oras kung saan dinokumento niya ang mga huling television appearances ni Kuya Germs.
READ: GMA Network's official statement on the passing of German Moreno
Ang ilan sa mga notable na television appearances ng yumaong Master Showman ay ang pagbabalik niya sa pagho-host ng kaniyang programa na Walang Tulugan noong June. Noong December naman ay nanguna siya pagpapaunlak ng mga bagong showbiz icons sa Eastwood City's "Walk of Fame" na kaniya 'ring proyekto. Dumalo din si Kuya Germs sa Kapuso New Year Countdown noong December 31 at kahit nasa wheelchair na, nag-iwan pa siya ng mensahe para sa mga Kapuso ngayong Bagong Taon.
LOOK: The shows of Kuya Germs that made a mark on Philippine TV
LOOK: 'That's Entertainment' stars express their grief over German Moreno's passing
Panoorin ang ulat ni Nelson Canlas at alamin kung ano ang palaging sambit ng showbiz veteran sa tuwing makakapanayam niya si Nelson.
Video courtesy of GMA News
Maraming salamat, Kuya Germs!