Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Prince Villanueva, naiyak at nagpasalamat kay Kuya Germs sa press conference ng 'Wish I May'

Updated On: October 19, 2020, 05:14 PM

"Masasabi ko lang po sa kanya (German Moreno) na mas lalo ko pa pong gagalingan. Iaalay ko po itong show na ito para sa kanya," lumuluhang sambit ni Prince sa presscon ng 'Wish I May.'

By MARAH RUIZ

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Kabilang ang young Kapuso actor na si Prince Villanueva sa cast ng nalalapit ng GMA Afternoon Prime soap na Wish I May.

Nagdaos ang programa ng isang press conference ngayong January 8 na sa kasamaang-palad ay ang araw na namayapa ang beteranong talent manager at starmaker na si German "Kuya Germs" Moreno na nagsilbi bilang isa sa mga manager ni Prince.

READ: GMA Network's official statement on the passing of German Moreno

Noong nakaraan ay nakakabisita pa si Kuya Germs sa press conference ng mga programa kung saan kabilang ang kanyang mga alaga, ramdam naman ngayon ang kanyang pagkawala.

"Malungkot po. Actually po, nandun po ako sa ospital kagabi. Mga 1:00 am po ako nandun, after po ng rehearsal namin ng Walang Tulugan. Dapat po may taping kami ngayon. Kinuha na po ni Lord si Kuya Germs mga 3:20 am po, nandun po kami nina Jake [Vargas], Ken [Chan]," kuwento nito.

May halong kaunting saya naman ang pait para sa binata dahil sa pagpasok ng Bagong Taon ay may show na siyang kinabibilangan.

"Masaya po [ako] na kasama ko si Miguel [Tanfelix] at si Bianca [Umali]. Napakapatok na love team ito. Siyempre, si Direk [Neal del Rosario], naging direktor ko din po ito sa InstaDad. Nagpapasalamat po talaga ko sa GMA Artist Center sa pagbigay sa 'kin ng opportunity," bahagi nito.

Hindi naman naiwasang maiyak ni Prince nang magbigay siya ng mensahe ng pasasalamat kay Kuya Germs.

READ: The young generation of Kapuso stars thank Kuya Germs 

"Nagpapasalamat po ako kay Kuya Germs sa pagbigay po sa akin ng opportunity dito sa GMA. Masasabi ko lang po sa kanya na mas lalo ko pa pong gagalingan. Iaalay ko po itong show na ito para sa kanya," lumuluhang sambit ni Prince.

Abangan si Prince sa Wish I May, magsisimula na sa January 18, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.