Bakit ready si Chariz Solomon na mag-pasko sa ospital?
Ready na din daw ang mga Holiday decoration ni Chariz para mas maging festive ang atmosphere ng kaniyang hospital room.
By AEDRIANNE ACAR
Ilang tulog na lang manganganak na ang 'Bubble Gang' comedienne na si Chariz Solomon sa kanyang pangalawang baby.
The Big 20 of 'Bubble Gang!'
9 funniest celebrity moms
Highlights from the Kapuso Comedy Festival
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa magaling na komedyante, nai-kuwento nito na naghahanda na daw siyang mag-Pasko sa ospital, dahil mukhang matatapat ang araw ng kanyang panganganak sa December 25.
"Naku, eh malamang na sa ospital ako kasi more or less mga, on or before Christmas ako manganganak. Pero ang hinanda ko, bumili ako ng mga simpleng Christmas décor, tapos ide-decorate ko 'yung hospital room namin [giggles]. Kung sakali kasi mga ganyan ako, feeling ko mga 20 plus ako manganganak. So, more or less talaga sa hospital kami, dun kami mag-ce-celebrate."
Dagdag pa ni Chariz, ready na din daw ang mga Holiday decoration niya para mas maging festive ang atmosphere ng kaniyang hospital room.
"Tapos bumili ako ng mga Santa hats, kasi nung sa panganay ko mayrun akong parang birthday banner, Happy Birthday Apollo. Tapos may mga party hats din, so eto naman since Christmas season baby siya, ang hinanda ko Santa hats."
Excited na din daw ang kanyang panganay na si Apollo na makita ang kanyang bagong kapatid.
"Oo, Super! Kasama ko siya lagi pag nag-pa-pa check-up ako, kasi gustong-gusto niya pag nakikita niya sa ultrasound 'yung baby."