Mala-anghel na mukha ni Baby Zia, ipinasilip na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera
Silipin ang unang photo ni Baby Zia!
By AL KENDRICK NOGUERA
The long wait is over!
Kasabay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang fans sa paghihintay na mailuwal niya ang panganay na anak nila ni Dingdong Dantes na si Baby Zia. At matapos siyang maipanganak noong November 23, hanggang ngayon ay inaabangan ng karamihan kung ano ang itsura ng bata.
READ: Marian Rivera gives birth to Baby Maria Letizia
Ngayong araw ay tinuldukan na nina Dingdong and Marian ang paghihintay ng mga tao dahil sa wakas ay ipinakita na nila sa publiko ang mala-anghel na mukha ni Baby Zia.
Isang mensahe naman ang ibinahagi ni Marian para kay Dingdong. "41 weeks akong naghintay, 18 hrs na nag-labor. Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat, Mahal ko @dongdantes," saad ni Marian sa kanyang post.
READ: Dingdong Dantes finds fulfilment in being a first-time dad
Dagdag pa niya, "At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga tayong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya - si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo'y isa nang ganap na pamilya, at ako'y isa nang ganap na ina. Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia"
LOOK: DongYan’s Baby Z receives personalized gifts
"I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10. #MariaLetizia," saad ni Dingdong.
READ: Netizens go gaga over Baby Zia's adorable photo