Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Mga kamag-anak ng AlDub, nag-react sa pagdating ni Cindy sa kalye-serye ng 'Eat Bulaga'

Updated On: November 11, 2020, 05:31 AM
Ano ang magiging papel ng Russian model na si Cindy sa buhay ng AlDub?
By AEDRIANNE ACAR
 
Mas lalong umiinit ang mga eksena sa pagdating ni Lola Babah sa sikat na segment ng Eat Bulaga kalye-serye.
 
 
 
At ngayong Martes (November 17), nakilala natin ang Russian model na si Cindy na gusto ni Lola Babah na makatuluyan ni Alden. Mukhang hindi lamang si Yaya Dub ang naapektuhan sa pagdating ni Cindy, dahil kahit ang mga kamag-anak ng dalaga hindi maiwasang mag-tweet ng kanilang reaksyon sa bagong karakter sa sinusubaybayan ng bansa na kalye-serye.
 
Sa tweet ng Ate ni Maine na si Niki Mendoza-Catalan, hindi raw papatalo si Menggay.
Nag-comment din ang bayaw ni Yaya Dub na si John Carlos Catalan.
 
Para naman kay Daddy Bae, Richard Faulkerson, Sr., wala pa rin daw papantay sa ganda ni Maine Mendoza.
Nagpaalala si Ate Dub sa mga fans ng AlDub na pawang katuwaan lamang ito at huwag daw magpapadala sa emosyon.
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.