Filtered By: Showbiz News | News
Aspiring comedy writers, nakasama si Michael V sa isang workshop
Published On: November 13, 2015, 07:31 AM
Updated On: November 5, 2020, 06:33 PM
20 writers ang nakasali sa 'The Michael V Creative Writing Workshop.'
By BEA RODRIGUEZ
1,000 aspiring writers ang nag-apply online noong Agosto na sumailalim sa mahigpit na screening process sa pamamagitan ng diagnostic tests at interviews ngunit 20 lamang ang napili upang lumahok sa 'The Michael V Creative Writing Workshop.'
Pinangunahan ito ng beteranong komedyante kasama ang Creative Team ng GMA Entertainment TV (ETV) Group na binubuo nina Creative Director Caesar Cosme, Creative Director Mon Roco, Creative Consultants Joseph Balboa, Chito Francisco at Sen Que pati na ang writer na si Jojo Nones.
Gag and sketch writing at saka ang narrative writing ang mga naging pangunahing paksa sa training na umabot ng limang linggo tuwing Biyernes at Sabado mula 1 p.m. hanggang 6 p.m. noong ika-2-3, 9-10, 16-17, 23-24 ng Oktubre at ika-6-7 ng Nobyembre.
Ilan sa mga batikang personalidad sa industriya ng komedya ang naging resource speakers katulad nina Isko Salvador, Dominic Zapata, Carmi Martin, Uro dela Cruz, MTCRB Chairman Toto Villareal, Sef Cadayona, Chariz Solomon at Betong Sumaya.
Naging matagumpay rin ang culminating activity nang nakaraang linggo kung saan namigay ng special awards at citations ang grupo. Ito rin ay dinaluhan nina ETV Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, VP Marivin T. Arayat, AVP Janine P. Nacar, Senior Program Manager Bang U. Arespacochaga, Program Managers Enri T. Calaycay, Cecille R. de Guzman at Mildred S. Natividad, kasama ang Special Project-in-charge na si Brian M. Geli.
Trending Articles