Filtered By: Showbiz News | News
Cast of 'Little Nanay' plays a prank on Mark Herras; dubsmashes Average Joe
Published On: November 6, 2015, 11:37 AM
Updated On: October 19, 2020, 02:47 PM
Sa apat na magkahiwalay na post ni Kris at Juancho, makikita na sumasayaw ang mga ito ng signature moves ni Mark sa kantang Average Joe.
By OWEN ALCARAZ
Matapos mapanalunan ni Mark Herras ang titulong '1st Ultimate Male StarStruck Survivor' noong taong 2003, isa sa mga naging tatak niya ay ang pagiging magaling na mananayaw. Ito ang naging daan upang bansagan siyang 'Bad Boy ng Dance Floor.' At magpahanggang ngayon, marami pa rin ang nakaka-alala ng kanyang signature moves sa sumikat na kantang Average Joe.
READ: Avery Paraiso continues to court eliminated 'StarStruck' contestant Koreen Medina
READ: Avery Paraiso continues to court eliminated 'StarStruck' contestant Koreen Medina
Kamakailan ay nakatuwaan si Mark ng mga kapwa niya artista habang nasa set ng malapit na malapit nang ipalabas na GMA Telebabad show na 'Little Nanay.' Habang nagpapahinga sa taping ay nag-dubsmash ang mga ito sa pangunguna nina Kris Bernal at Juanco Trivino.
Sa apat na magkahiwalay na Instagram post ni Kris at Juancho, makikita na sumasayaw ang mga ito ng signature moves ni Mark sa kantang Average Joe.
"Naaalala niyo pa ba itong kanta na ito, di ba kuya mark?? lol.. Elementary memories ko yun.. @badboyherras @krisbernal and Special participation of Tito Bembol ????," saad ni Juancho sa unang video.
A video posted by Juancho Trivino (@juanchotrivino) on
Sa ikalawang posted video ni Juancho, makikita namang kunwaring nagsuplado si Mark at nag-comment ng, "hahah madame pa yan lakas mag trip neto ni @juanchotrivino."
Ang ikatlong video naman ay kuha sa shoot ng GMA Christmas Station ID.
LOOK: AlDub and Kalye's Angels to star in Kapuso Christmas Station ID
Average joe surprise part 3! While waiting for our take sa GMA Christmas station id shoot..
A video posted by Juancho Trivino (@juanchotrivino) on
LOOK: AlDub and Kalye's Angels to star in Kapuso Christmas Station ID
At ang pinakahuli ay ang kay Kris kung saan muling kasama si Bembol Roco with the addition of the Superstar Nora Aunor.
"Naisahan ka na naman namin @badboyherras ?????? Take 4 of Average Joe dubsmash! The rest of the vid clips are in @juanchotrivino's IG! ????????," saad ni Kris.
A video posted by Kris Bernal (@krisbernal) on
Trending Articles