Filtered By: Showbiz News | News
Mga kamag-anak nina Alden Richards at Maine Mendoza, kilig overdrive sa 15th weeksary
Published On: October 29, 2015, 03:26 PM
Updated On: July 21, 2020, 09:27 AM
Hindi lang ang AlDub Nation ang kinilig ngayong araw na ito. Pati ang mga taong malapit sa puso nina Alden at Maine, kinilig pa more.
By AEDRIANNE ACAR
Kinilig ang buong bansa para sa hinandang sorpresa ng Eat Bulaga para sa 15th weeksary ng AlDub ngayong Huwebes (October 29).
Si Alden Richards ba naman ang dumalaw kina Yaya Dub at sa mga Lola sa barangay kaya naman bumaha ng sweet at funny moments courtesy of the phenomenal love team.
Sa katunayan ang first kilig video nina Maine Mendoza at Pambansang Bae ay humakot na ng milyun-milyong views. Sa kasalukuyan, ang video na ‘Yaya Dub, kinilig kay Alden Richards’ mayroon ng mahigit 4.7 million views sa YouTube.
AlDub family
Nakatutok din ang mga kamag-anak nina Menggay at Tisoy sa episode ng kalye-serye this Thursday.
Sunod-sunod ang tweet ng nakakatandang kapatid ni Yaya Dub na si Niki, dahil siya man ay hindi mapigilan na kiligin sa dalawa.
Weeksary lang ba talaga to? Parang anniv na eh!!:p #ALDUB15thWeeksary
— Niki Mendoza-Catalan (@nicoletteannmc) October 29, 2015
Teka lang naman! Ano ba to! Kyondi mo yaya! Hahaha #ALDUB15thWeeksary
— Niki Mendoza-Catalan (@nicoletteannmc) October 29, 2015
Ang masasabi ko lang! Tigilan na quota na sa kilig ano ba!!! #ALDUB15thWeeksary pic.twitter.com/DaV7DYNI5X
— Niki Mendoza-Catalan (@nicoletteannmc) October 29, 2015
Nakakatawa rin ang mga sumunod na posts sa Twitter ni Daddy Bae Richard Faulkerson, Sr.
Sa isang post niya, hampas proof daw siya pero sa kurot hindi pa.
Hampas proof na ako ngaun! Sa kurot hindi pa po! :))) #ALDUB15thWeeksary
— Richard P Faulkerson (@r_faulkerson) October 29, 2015
Matatandaan na naging viral sa social media ang video ni Mr. Faulkerson sa Philippine Arena matapos hindi sinasadyang mahampas ng mga babaeng fans ng AlDub.
Kahit naka helmet alam na alam ko na si Alden yun e! #ALDUB15thWeeksary
— Richard P Faulkerson (@r_faulkerson) October 29, 2015
Pati yung table kinilig!!! #ALDUB15thWeeksary
— Richard P Faulkerson (@r_faulkerson) October 29, 2015
Bumuhos din ngayong araw ang tweets ng AlDub Nation, ang #ALDUB15thWeeksary ay nag-trend both Worldwide at sa Philippines. As of 3:21 PM mayroon na ang hashtag na ito na 2.3 million tweets.
Trending Articles