Filtered By: Showbiz News | News
Hampas pa more: Daddy Bae nahampas sa likod ng mga kinikilig na fans ng AlDub
Published On: October 26, 2015, 03:10 PM
Updated On: November 8, 2020, 07:09 PM
Viral na sa Twitter ang video na pinost ng anak ni Joey de Leon na si Jocas.
By AEDRIANNE ACAR
Viral na sa Twitter ang video na pinost ng anak ni Joey de Leon na si Jocas.
Kuha ang short video ng dalaga sa benefit concert ng 'Eat Bulaga' sa Philippine Arena. Makikita sa video na hindi naiwasan ng ilang babaeng fans ng AlDub na mahampas sa likod ang tinaguriang Daddy Bae na si Richard Faulkerson, Sr. ng makita nilang magyakap ang AlDub.
Ayon sa Twitter post ni Jocas, "These women in front of me started hitting Alden's dad after seeing Aldub hug! Lol so funny! #ALDubEBTamangPanahon"
Mayroon ng mahigit sa 11,800 likes ang video na ito.
These women in front of me started hitting Alden's dad after seeing Aldub hug! Lol so funny! #ALDubEBTamangPanahon pic.twitter.com/M7IhuqE8yb
— Jocas de Leon (@jocasdeleon) October 24, 2015
Nagtweet si Daddy Bae sa naturang insidente at biro pa niya, "Yung nasa likod ko po kanina kung maka-hampas naman sakin wagas! Haha! #ALDubEBTamangPanahon"
Yung nasa likod ko po kanina kung maka hampas naman sakin wagas! Haha! #ALDubEBTamangPanahon
— Richard P Faulkerson (@r_faulkerson) October 24, 2015
Lubos ang pasasalamat ni Mr. Faulkerson, Sr. para sa lahat ng sumuporta sa kanyang anak sa 'Tamang Panahon' concert, kaya naman hindi nito nakalimutan purihin ang Poong Maykapal sa kanyang tweet.
To God be the Glory, for the things he has done...with His power He has raised me. To God be the Glory.
— Richard P Faulkerson (@r_faulkerson) October 24, 2015
Related Videos