Filtered By: Showbiz News | News
'Destiny Rose' kontrabida Jackie Lou Blanco faces off with Antonietta
Published On: October 20, 2015, 11:05 AM
Updated On: March 5, 2020, 03:40 AM
Sino ang titiklop sa kanilang dalawa?
By AEDRIANNE ACAR
Mga Kababol, hindi n'yo dapat palampasin ang mga susunod na episode sa longest-running gag show ng bansa, Bubble Gang, dahil malapit nang mapanood ang guesting ng isa sa pinakamagaling na aktres sa Philippine showbiz.
Makakatapat ng teleserye evil queen na si Antonietta ang Destiny Rose star na si Jackie Lou Blanco.
Ayon sa post ni Betong sa Instagram kahapon (October 19), tiyak na kaabang-abang ang magiging sagupaan nila ni Dahlia Flores.
“Mga KaBabol abangan ang sagupaang Jackie Lou Blanco at Antonietta hahaha!!! #BGAntonietta”
Umubra kaya si Jackie Lou sa taray ni Antonietta o titiklop sa tapatan ang teleserye evil queen? Tutukan ‘yan dito lang sa nangunguna at hindi matapatan na Bubble Gang!
Trending Articles