Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Sexy comedienne Rufa Mae Quinto credits 'Bubble Gang' for her numerous comedy acting awards

Updated On: February 21, 2020, 11:16 PM
Hindi na mabilang na gags, spoofs at impersonations, ang nagawa ng veteran comedienne na si Rufa Mae Quinto sa show niya na 'Bubble Gang.'
 
By AEDRIANNE ACAR
 
Hindi na mabilang na gags, spoofs at impersonations, ang nagawa ng veteran comedienne na si Rufa Mae Quinto sa show niya na 'Bubble Gang.'
 
 

A photo posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on

 
At ngayong malapit nang i-celebrate ng gag show ang 20th anniversary nila sa telebisyon, minarapat namin tanungin si Rufa Mae kung ano-ano ang mga paborito niyang role o segments na nagawa na niya sa 'Bubble Gang.'
 
Ayon sa kanya, "Maganda 'yung mga ano 'Susie Lualhati' sana kaya lang nga na MTRCB kaya nag-lie low. Mayrun din 'Rufa Mae Kuwento,' commercial spoofs. 'Yan paborito ko din 'yung nag-sa-sayaw din kami, marami kaming sinayaw din 'yung mga belly dancing ganyan."
 
 
 
 
Dugtong ng Kapuso comedienne, isa pa rin daw sa pinakagusto niyang gawin sa gag show ay ang mag-spoof, dahil nahasa daw siya dito para maging magaling na komedyante at naging susi niya para manalo ng mga comedy acting awards.
 
"Pero as a comedian ang type ko talaga mag-spoof ng iba’t-ibang tao di ba and because of 'Bubble Gang' I was able to get mga eight to nine awards as 'Best Comedy Actress' for 'Bubble Gang,' so it is really something di ba.”  
 
Puring-puri din ni Rufa Mae ang mga nasa creative team ng 'Bubble Gang' dahil very open sila sa suggestion ng mga stars.
 
"'Di lang sa comedy nila sila naniniwala, kung anong suggestion ng ibang artista i-de-develop nila."
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.