Filtered By: Showbiz News | News
Nora Aunor at Barbie Forteza, magsasama sa isang indie film
Published On: October 15, 2015, 04:46 PM
Updated On: August 17, 2020, 01:03 PM
Bibigyang buhay ni Nora ang role ni Pinailog at si Barbie naman ang gaganap bilang kanyang apo na si Dowokan sa 'Tuos.'
By AL KENDRICK NOGUERA
Noong Agosto ay inanunsyo na ang finalists para sa full-length feature ng Cinemalaya Independent Film Festival and Competition na gaganapin sa 2016.
Sampung pelikula ang susuportahan at bibigyan ng Php 750,000 ng Cinemalaya at kabilang dito ang 'Tuos' na pagbibidahan ng Kapuso actors na sina Barbie Forteza at Nora Aunor.
Abangan ang pagtutuos ng natatanging pagganap ni Ms. Nora Aunor at @dealwithbarbie sa August 2016 na! #Tuos pic.twitter.com/75DWrC05nl
— Tuos Film (@tuos_film) October 14, 2015
Bibigyang buhay ni Nora ang role ni Pinailog, ang tribal princess ng Panay Bukidnon. Samantala, si Barbie naman ang gaganap bilang kanyang apo na si Dowokan.
Abangan ang pagganap nina Nora at Barbie sa 'Tuos' sa Cinemalaya festival sa susunod na taon.
Trending Articles
EXCLUSIVE VIDEOS