Filtered By: Showbiz News | News
Ken Chan at Fabio Ide, kinikilig na sa isa't isa
Published On: October 8, 2015, 05:01 PM
Updated On: February 21, 2020, 01:53 PM
"Kailangan kong kiligin kay Fabio, at kailangan din niyang kiligin sa akin." - Ken
By MICHELLE CALIGAN
Magandang gabi sa inyong lahat! From: Gabriele and Joey ???? @fabioideofficial
A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on
"Kailangan kong kiligin kay Fabio, at kailangan din niyang kiligin sa akin."
Ito ang naging sagot ni Ken Chan nang tanungin ni Powerhouse host Kara David kung kinikilig ba siya sa mga eksena nila ng kanyang Destiny Rose co-star na si Fabio Ide gayong pareho silang tunay na lalaki.
"Noong una po nakakailang talaga. Tawa kami ng tawa ni Fabio kapag mayroon kaming [eksena] na malapit na 'yung labi namin sa isa't isa, 'yung kukunan kami ng eye to eye, yakap. Kailangan eh (laughs)," paliwanag pa niya.
Hindi raw biro ang kailangan niyang pagdaanan para makaramdam ng kilig sa kanyang leading man, pero ginagawa raw niya ito para sa mga manonood.
"Pero hindi biro, dahil sa ini-internalize ko ang character ko, hindi ko rin maiwasang kiligin. Kasi kailangan naming [pakiligin ang mga tao]. Ang hirap pero nag-e-enjoy naman po kami."
Aniya, kasama ito sa malaking challenge sa pagtanggap niya ng role na Joey, na magiging Destiny Rose sa pagpapatuloy ng kuwento.
"Nag-audition po ako dito. Nakita ko 'yung concept and 'yung story. Sabi ko, 'Ang suwerte kung sino ang makukuha dito,' Napakaganda ng storya, kakaiba, and napaka-brave ng GMA-7 na gawin ang ganitong klaseng teleserye. I feel so blessed and thankful na ako 'yung nakuha doon. Hindi ako nagdalawang isip na hindi gawin."
Trending Articles