Filtered By: Showbiz News | News
Ano'ng klaseng estudyante si Yaya Dub noon?
Published On: September 14, 2015, 02:37 PM
Updated On: October 8, 2020, 07:16 PM
Ibinuking siya ng mga teachers at dati niyang kaklase sa St. Paul College sa Bocaue, Bulacan.
By AEDRIANNE ACAR
Binuking ng mga former teachers ni Maine Mendoza (Yaya Dub) ang Eat Bulaga beauty sa special episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kagabi (September 13).
Binisita ng KMJS ang St. Paul College sa Bocaue, Bulacan. Ang dating eskuwelahan ng Dubsmash Queen of the Philippines. Dito ni-reveal ng mga guro ni Maine na dati pa man ay very creative na raw ang dalaga.
Kuwento ni Ernesto Guillermo Jr., Chemistry teacher ni Yaya Dub, paborito raw niyang subjects ang Music and Arts at Physical Education.
Saad ni Teacher Guillermo, “Nasulat niya minsan paborito niya talaga ang P.E. at 'tsaka Music and Arts. Palagay ko kasi nga medyo ano siya kinesthetic person.”
Hindi naman daw nakapagtataka para sa Religious Education teacher ni Yaya Dub na si Luzviminda Estrella na pinili nitong mag-artista dahil nakitaan na raw niya ito ng potensyal.
“May ano naman talaga na magiging artista siya kasi creative naman siya sa journals niya ang galing-galing niya magawa ng mga drawing. Expressive, ‘yung reflections niya malalim.”
Nakapanayam din ng KMJS ang kababata ni Maine na si Marika Perez at ibinuko nito na kuwela talaga sa personal ang Eat Bulaga star.
“Ano po masayahin, ‘yung maharot, ‘yung palabiro ganun.”
Trending Articles
EXCLUSIVE VIDEOS