Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda reveals wife Neri Naig suffered a miscarriage

Updated On: February 27, 2020, 06:06 AM
Bumuhos ang suporta sa social media para sa mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig matapos umamin ang vocalist ng Parokya ni Edgar na nakunan ang kanyang asawa.
By AEDRIANNE ACAR

Bumuhos ang suporta sa social media para sa mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig matapos umamin ang vocalist ng Parokya ni Edgar na nakunan ang aktres.

Ipinaalam ni Chito sa kanyang mga fans ang malungkot na balita matapos mag-post ito sa Instagram ngayong Miyerkules (August 26).

Sabi nito na pinili nilang mag-asawa na huwag ipaalam sa publiko ang mahirap na pinagdadaanan ng asawa. Hanga din daw siya sa katatagan ni Neri na sa kabila ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay, nananatili itong positibo pa rin sa buhay.

“It is true that we lost our baby a few months ago. Pinili lang namin na wag na lang pag-usapan publicly kasi it was something that we'd rather deal with privately kasi sobrang sakit para sa amin at sobrang hirap ng pinagdaanan namin lalo na para kay Neri.

"But inspite of everything, Neri chose to remain positive, fighting through her depression."

Dagdag pa ni Chito na talagang matatag si Neri at pilit nitong hinarap ng buong tapang ang trahedya nang pagkawala ng kanilang anak.

“That's how strong my wife is," ang proud na pahayag ni Chito.

"Being strong doesn't mean that one has the ability to feel no pain. Being strong means being able to fight through pain no matter how difficult things get.

"I love you Ms.Neri!”

 

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) on



Netizens shows support

Narito naman ang ilan sa mga mensahe ng mga fans ni Chito at marami ang nag-post ng kanilang paghanga sa katatagan na ipinapakita nilang dalawa.



Kamakailan, napabalita rin na nagkaroon ng miscarriage ang asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez, base sa official statement ng dalawa na ipinagbubuntis ni Mariel noon ay triplets.

READ: Mariel Rodriguez suffers another miscarriage, loses triplets 
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.