Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Claudine Barretto at Raymart Santiago, magkaibigan na

Updated On: March 15, 2020, 03:56 PM
Nagkabati na ang estranged couple na sina Claudine at Raymart.
By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Hindi lang civil ang pakikitungo ng dating mag-asawa na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa isa’t-isa. Ayon sa aktres, friends na raw ang status nila.
 
Sa report ni Luane Dy sa Unang Hirit, nabalitang naging daan si Judge Geraldine Macaraeg ng Marikina Regional Trial Court sa pagbabati ng dalawa.
 
Kamakailan ay nakita ring magkasama sina Claudine at Raymart nang ipagdiwang ng kanilang panganay na si Sabina ang kanyang ika-11 na kaarawan sa paaralan niya.
 
Nag-post si Claudine ng mga litrato kasama si Raymart at ng kanyang mga anak. Nag-iwan rin ito ng birthday wish para sa kanyang anak sa ngalan niya at ng dating asawa.
 
 

A photo posted by @claubarretto on


“Happy 11th birthday to our Princess Angel. You have brought [too] much joy to our family. We thank God for you every single day. We love you so much! We will always be here for you,” aniya.
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.