Filtered By: Showbiz News | News
Al Tantay defends Oscar Tanchingco's actions
Published On: June 4, 2015, 06:51 PM
Updated On: February 26, 2020, 03:11 PM
Al Tantay's character in 'The Rich Man's Daughter' is seen by netizens as an unsympathetic father to Jade (Rhian Ramos). Does the veteran actor agree with them?
By MICHELLE CALIGAN

Marami ang naiinis at nagagalit sa character ni Oscar Tanchingco, played by Al Tantay, sa The Rich Man's Daughter. According to some netizens, dapat daw ay naiintindihan ni Oscar ang sitwasyon ni Jade dahil minsan na rin niyang sinuway ang kanyang mga magulang nang pakasalan niya si Amanda, played by Glydel Mercado.
Ayon sa actor-director, naiintindihan naman daw niya ang sentiments ng mga manonood.
"Actually, naiintindihan ko, kaya lang kultura. Noong una naisip ko na off character nga na magalit ako sa kanya, pero nang dinis-own ako, nakaranas ako ng hirap. In-establish din naman namin 'yun. Binenta ko 'yung kotse samantalang sanay akong mabuhay ng rich."
Aniya, ayaw lang ni Oscar na matulad sa kanya ang kanyang mga anak.
"Ngayon, sunud-sunuran din ako sa father ako, kay Angkong. Kaya ako, pinipilit kong maibalik siya, ayusin, para sila ring mga anak ko ay hindi naman maging kawawa. Kasi ang family naman namin ang bibitawan ni Angkong. Siya kasi 'yung may-ari ng lahat."
In the end, every character is just fighting for the people they love.
"'Yung conflict, dahil sa love. Nangyayari 'yung ginagawa ko sa kanya dahil mahal ko siya, mahal ko silang mga anak ko. Lahat kami parang ang naging pinanggalingan ng conflict is puro pagmamahal lang naman talaga. Gusto mong mapabuti [sila], at may mga emosyon na hindi mo naman mapipigilan."
Trending Articles