Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

'Magpakailanman' marks Alma Moreno's return to showbiz

Updated On: February 22, 2020, 05:29 PM
Watch her with daughter Wyn Marquez this Saturday (June 6) on 'Magpakailanman.'
By MICHELLE CALIGAN

 
Sampung taong nawala sa showbiz ang aktres na si Alma Moreno dahil mas pinili niyang maging abala sa pagiging konsehal ng Parañaque. Ngayong nasa kanyang last term na siya bilang isang public servant, nagdesisyon si Ness na bumalik na sa pag-arte. Ang kanyang unang proyekto ay ang isang episode ng Magpakailanman na mapapanood ngayong Sabado, June 6.
 
 
Makakasama niya rito ang kanyang anak na si Wyn Marquez, na aminadong kinakabahan dahil first time niyang makakatrabaho ang ina sa drama.
 
"Nakaka-pressure kasi siyempre si Mama alam na niya itong drama so kailangan kong pantayan. Baka mamaya sabihin niya 'Umarte ka nang maayos (laughs)'. Nakakatakot," kuwento ni Wyn kay Lhar Santiago sa 24 Oras.
 
Humanga naman si Alma sa acting ng anak niya kay Joey Marquez.
 
"Hindi dahil sa anak ko na si Winwyn, [pero] nakikita ko. Kanina lang may eksena kami, aba ambilis. Pinapagalitan ko lang siya, sumisigaw ako. Mamaya 'yung luha niya nangingilid-ngilid na. Talagang may dating. Kaya abangan nila."
 
Aniya, si Wyn ang nagkumbinsi sa kanyang balikan na ang mundo ng showbiz.
 
"Kaya nga sabi ko, 'Wyn, magpapapayat na ako talaga.' Kasi it's my last term. Marami rin ang naniniwala na babalik na ako kasi siyempre, priority ko ang work ko ngayon."
 
On the other hand, very thankful din ang former Binibining Pilipinas candidate sa mga bagong breaks na binibigay sa kanya ng Kapuso network, kabilang na ang role niya sa The Half Sisters. Lumalakas din ang bulung-bulungan na may namamagitan sa kanila ng kanyang kapwa Sunday All Stars performer na si Mark Herras.
 
"Ewan ko, nami-misinterpret nila lahat. Kapag sobrang close namin, 'yun agad ang naiisip," paglilinaw niya.
 
Ano naman ang masasabi ni Alma tungkol dito?
 
"Parang naririnig ko rin 'yun. Pero wala siyang sinasabi, pero may nararamdaman ako."
 
Video courtesy of GMA News 
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.