Filtered By: Showbiz News | News
Baby nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pinipilahan na ng mga endorsements
Published On: May 29, 2015, 02:32 PM
Updated On: March 13, 2020, 11:36 AM
Hindi pa man lumalaki ang baby bump ni Marian Rivera, marami na raw nag-aalok ng mga endorsements dito.
By MARAH RUIZ
Hindi pa man lumalaki ang baby bump ni Marian Rivera, marami na raw nag-aalok ng mga endorsements dito.
"Merong lumalapit sa management na kung gusto ko daw ng ganito, gusto daw kunin," pahayag nito sa isang panayam kay Lhar Santiago.
Ngunit ayon kay Marian, masyado pang maaga para mag-commit sa kahit anong endorsement.
"Ayoko munang pangunahan 'yung anak ko kasi hindi pa naman lumabas. Hindi pa nga lumalaki masyado 'yung tiyan ko!" natatawang pahayag ng Primetime Queen.
Hindi naman tinanggihan ni Marian ang mga alok. Gusto lang daw niyang hintayin ang tamang panahon para dito.
"Siyempre nagpapasalamat kami na sa mga produktong ito ay kami ang naisip nila at 'yung anak ko 'yung naisip nila. Pero 'wag na muna. Dadating tayo diyan. Palakihin ko muna," sabi ni Marian.
Trending Articles