Filtered By: Showbiz News | News
Sancho, excited makatrabaho ang inang si Aiai Delas Alas
Published On: April 20, 2015, 05:28 PM
Updated On: October 31, 2020, 03:01 AM
Makikita niyo na ba sina Aiai at Sancho na magkasama sa isang show dito sa Kapuso network? Sasagutin 'yan ni Sancho!
By CHERRY SUN
Ina, kaibigan at ngayon ay fellow Kapuso artist na.
Ito ang turing ni Sancho sa nagbabalik-Kapuso at Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas.
Ayon sa aktor ay ikinagulat at ikinatuwa niya ang paglipat sa GMA Network ng kanyang ina.
‘Wow, ang saya!’ Isa sa mga dream ko matutupad, ang makasama ako sa work niya,” sambit ni Sancho sa panayam ng GMANetwork.com.
Sa ngayon ay ongoing daw ang workshop nila at may ilang proyekto at programang nakalinya na para sa mag-ina.
“Fan ako ng nanay ko, sobrang idol ko siya. Dream ko na makasama ako sa work niya. Gusto kong ma-experience ‘yun, kasi siyempre iba ‘yung nanay, iba ‘yung friend, iba ‘yung katrabaho rin. Kumbaga all in one nandito lahat, so masaya. Super excited,” dagdag ni Sancho.
Mom-son relationship
Sa ginanap na press conference para sa grand homecoming ni Aiai ay ikinuwento niya na “security blanket” at “anchor” naman ang turing niya sa kanyang anak na binata.
Ang kanilang lambingan moment ay ibinahagi rin ni Sancho sa kanyang Instagram.
Patunay ni Sancho, “Kasi 'pag may problema naman ‘yan or any decision-making, lagi siyang nagtatanong na ‘Sa palagay mo, ano bang mas okay na gawin, ito ba or ito?’ Kumbaga lagi kaming nagbibigay ng advice sa isa’t-isa... 'tsaka lagi rin ako nadiyan for her, parang konting kibot, ‘O ma, ano kailangan?’"
Ayon pa sa aktor, sa sobrang close nila ng kanyang comedienne mom ay alam nito kung kailan siya nagsisinungaling o kaya may problema.
“Sobra ‘yung intuition niya as a mom iba. Kumbaga ‘yung connection namin with each other, iba. Sobrang close namin,” patuloy niya.
Ano kaya ang mensahe ni Sancho kay Aiai?
Aniya, “Mom, welcome home. I don’t hope ‘cause I know that you’re really, really, really happy sa pagbalik mo dito. Sana ma-enjoy niya ‘yung pagbalik niya kasi sobrang love na love niya ‘yung trabaho niya. Marami ka pang mapapasayang tao.”
Trending Articles