Filtered By: Showbiz News | News
Mich Liggayu, may sorpresang flash mob kay Jam Sebastian for Valentine’s day
Published On: February 17, 2015, 07:52 PM
Updated On: October 28, 2020, 02:32 PM
Ang flash mob napanood daw ni Jam sa pamamagitan ng isang video call.
By CHERRY SUN
Isang flash mob ang regalo ni Mich Liggayu para kay Jam Sebastian for Valentine’s day. Ang kanilang sorpresa, napanood daw ng kanyang may sakit na fiancé sa pamamagitan ng isang video call.
“Sana po na-surprise. Mukha naman pong na-surprise namin siya. Nakita ko ‘yung pag-smile niya,” masayang pahayag ni Jam sa Balitanghali pagkatapos niyang sumayaw.
Isang buwan na sa hospital si Jam dahil sa lung cancer. Nasa stage four na ang kanyang sakit at kumalat na sa kanyang buto na lalong nagpapahirap sa kanya.
Ayon sa kanyang ina, tumatanggi raw si Jam na tumanggap ng kahit anong treatment. Hindi rin natuloy ang pagpapa-chemotherapy ng binata noong nakaraang buwan dahil nais daw niya munang magpalakas ng katawan. Hiniling na rin noon ni Jam na isailalim na siya sa mercy killing.
Pahayag ni Mrs. Maricar Sebastian, “Minsan hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas. Talagang humuhugot na lang ako sa anak ko. Sila talaga ‘yung buhay ko, sila ‘yung inspirasyon ko. Pero minsan talaga napanghihinaan na ako, so ang ginagawa ko na lang nagdadasal na lang ako.”
“Hindi po nag-sink in sa akin nung unang basa ko [sa text]. So ang daming beses ko pa siya binasa kasi parang in shock po ako eh. Tapos nung medyo na-absorb ko na kung ano message niya, doon po naiyak ako ng sobra. Tinext ko siya agad, sabi ko, ‘mag-pray lang tayo’,” wika naman ni Mich.
Sa dasal kumakapit ang dalaga para sa kanyang fiancé.
Batid niya, “Wala po tayong karapatan itigil ‘yung buhay natin kundi si Lord lang po. So sabi namin, lumaban siya, kumain ng marami kasi ang dami naman po nagmamahal sa kanya, nagdadasal para sa kanya.”
Video courtesy of GMA News
Trending Articles