Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Jake at Bea, hindi magkasama sa Valentine’s

Updated On: March 14, 2020, 10:06 AM
Hulaan niyo kung sino ang kasama nila sa Araw ng mga Puso.
By CHERRY SUN


 
Kinumpirma ng tambalang JaBea na hindi sila magkasamang magse-celebrate sa Araw ng mga Puso.
 
“Valentine’s, ang plano ko po with family lang siguro. Family ko. Wala po siguro, sa bahay muna ako,” tugon ni Jake Vargas nang tanungin siya tungkol sa kanyang Valentine’s plan sa 24 Oras.
 
Bahagi naman ni Bea Binene, “Lalabas po ako, pupunta po ako sa travel fair. Kasama po si Ate Glaize de Castro.”
 
Nang kumustahin ang young actress tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, tila hindi siya makasagot ng diretso.
 
 
“Sasabihin ko po okay kami. Katulad ng sinabi ko sa press con, ‘yun okay kami,” saad ni Bea.
 
Pahiwatig naman ng binatang aktor, “Kung kami talaga, talagang kami. 'Di ko rin po masabi. Siguro kaya kami ngayon medyo may problema, baka may balak si Lord na gagawin sa amin.”
 
Video courtesy of GMA News
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.