Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Juancho Trivino, the next Richard Gomez?

Updated On: February 21, 2020, 03:14 PM
Sino ang nagsabi na puwedeng maging the next Goma ang young Kapuso actor?
By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Mga baguhan man hindi nagpapahuli ang mga newbie ng Bubble Gang na sina RJ Padilla, Joyce Ching, Juancho Trivino, Denise Barbacena, Jan Manual at Arny Ross. 
 
Bigay todo ang mga newest Kababol tuwing taping at handa makipagsabayan sa mga veteran comedians tulad nila Michael V, Rufa Mae Quinto at Paolo Contis. 
 
Kaya tanong ng GMANetwork.com sa YouTube star at half ng comic duo na Moymoy Palaboy na si James Ronald Obeso, sino sa mga fresh talent ng Bubble Gang ang sa tingin niya ang pinakamagaling? 
 
Aniya, “Yung bago actually silang lahat. Eh kaya sila siguro nakuha bilang bagong gang is talagang pare-pareho silang magaling. Si Joyce magaling, si Denise magaling, si Arny magaling tapos may kanya-kanya silang specialty parang iba siya, iba ‘to.”
 
Dagdag pa ni Moymoy, bilib din daw siya sa boys na sina RJ na may sariling istilo sa pagpapatawa at nakikita naman daw niya na si Juancho ay may potensiyal na maging the next Richard Gomez. 
 
“Sila RJ, sila Juancho may style din naman. Si RJ na Padilla family ganun, talagang matipuno.
 
“Si Juancho naman parang Goma. Nakikita ko [siya na] Richard Gomez in the making. Tapos si Jan [Manual] pinakamabait 'yun. Seryoso pinakamabait si Jan. Ano naman siya, kaya niyang i-spoof sila, nakikita ko sa kanya kaya niyang gayahin sila Tulfo ‘yun.” 
 
Panghuli nagpasalamat si James sa lahat ng mga avid viewers ng Bubble Gang na laging tumututok tuwing Biyernes ng gabi para manood at makitawa sa kanila. 
 
Pangako din niya na mas lalo pa raw nilang pagbubutihan ang trabaho nila para hindi sila magsawa.  
 
“Yes mga Kapuso, salamat sa pagsuporta at sa walang sawang pagtangkilik sa Bubble Gang, dahil nineteen years na po kami. Thank you Lord. God be the Glory!”
 
“At sana po huwag po kayong magsawa sa panonood sa amin dahil hindi po kami titigil ng paghahanap ng ikakaligaya niyo tuwing Biyernes ng gabi.”
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.