Filtered By: Showbiz News | News
Gov. Vi, siguradong dadalo sa kasal nina Marian at Dingdong
Published On: November 25, 2014, 05:40 PM
Updated On: March 7, 2020, 05:35 PM
Kahit nagkasakit si Gov. Vilma Santos ay 100 percent sure na makakapunta siya sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
By CHERRY SUN
Matagal hindi nakita sa publiko si Batangas Governor Vilma Santos dahil siya ay nagkasakit. Gayunpaman, tiniyak niyang magiging ninang pa rin siya sa nalalapit na kasal ni Marian Rivera at Dingdong Dantes.
“After nung sa ulcer ko, which is better now, ay nagkaroon lang ako ng parang insect bite na nagkaroon ng infection sa ilong na hindi naman pupuwedeng make-upan,” paliwanag niya sa 24 Oras.
“It’s just na medyo nagkaroon lang ng depekto ‘yung health ni Ninang Vi pero that doesn’t mean hindi ako ninang. So, andito pa rin si Ninang Vi and I’ll see you on December 30,” mensahe niya sa Primetime King and Queen.
Sa ngayon ay wala pang konkretong political plans si Gov. Vi ngunit inamin niyang kinakausap siya ng mga taga-Lipa upang bumalik bilang kanilang mayor.
Aniya, “Halimbawa, hindi ako matuloy tumakbo, I want to do films. Gusto ko mag-produce.”
Trending Articles