Filtered By: Showbiz News | News
Perfectionist ang mga Pinoy - Rita de Guzman
Published On: September 24, 2014, 06:29 PM
Updated On: February 19, 2020, 07:26 AM
'Strawberry Lane' kontrabida Rita de Guzman opens up about the critical eye of the public on artists like her.
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Hindi maikakaila na maraming demands sa mga artista.
Nandiyan parati ang mapanuring mata ng mga tao na kumikilatis sa itsura at galaw ng mga celebrities on and off cam.
Kaya tinanong namin ang Kapuso singer na si Rita de Guzman kung ano ang masasabi niya sa mataas na expectations from female celebrities.
Umamin ang dalaga na napansin niya na may pagka-perfectionist daw talaga ang mga Pinoy. Pero iba na raw ngayon dahil naiintindihan nila na may buhay ang mga artista outside showbiz.
“Perfectionist talaga ang mga Pinoy. Pero kahit papaano naman natutuwa ako kasi parang ngayon medyo naiiba na. Maraming open-minded kaysa noon. Noon talagang kailangan ganito ka [perfect] as in parang doll.”
Naniniwala ang Strawberry Lane star na sa pagdaan ng panahon mas naging maunawain ang mga tao sa tulad nilang nasa limelight.
“Pero ngayon medyo open-minded na 'yung mga tao kasi naiintindihan na nila na hindi ganun.
“'Pag hindi work, ‘eto siya. So okay ako dun. [Masaya ako na] meron pa rin taong naniniwala na hindi dapat maging sobrang perfect ka.”
Trending Articles