Filtered By: Showbiz News | News
Neil Ryan Sese on Miguel Tanfelix: 'Nakikita ko 'yung sarili ko sa kanya noong bata ako'
Published On: September 3, 2014, 04:58 PM
Updated On: February 26, 2020, 06:56 PM
Niño's taytay Neil Ryan Sese sees his younger self in Miguel Tanfelix. He says: "He's only 15 years old. Noong age ko na 'yon, ang binabarkada ko [ay] 'yung mga mas matatanda sa 'kin, mga mas mature. Parang ako siya.”
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
“Si Miguel, nakikita ko 'yung sarili ko sa kanya noong bata ako,” bahagi ni Neil Ryan Sese nang kumustahin namin sa kanya ang bida ng Niño.
Dagdag pa niya, “He's only 15 years old. Noong age ko na 'yon, ang binabarkada ko [ay] 'yung mga mas matatanda sa 'kin, mga mas mature. Parang ako siya.”
Mayroong iba’t-ibang tent na nagsisilbing stand by area ng cast members ng Niño. Ayon kay Neil Ryan, hilig daw ni Miguel na bumisita sa tent nila. Saad niya, “Kasi usually sa tent namin, magkakasama by age group. So ang kasama niya usually sa tent [ay] sina Renz [Valerio]. Most of the time, lumilipat siya doon sa tent namin, sa middle age group.
Bakit laging naroon si Miguel? “Ang dami niyang gustong matutunan. Ganiyan din ako dati eh,” ani Neil Ryan.
Bukod sa acting tips, humihingi rin pala si Miguel ng binata advice kay Neil Ryan. “Siyempre 'yung mga crush-crush niya. Tapos nakakatuwa kasi nag-o-open talaga siya sa 'kin. Lahat ng sikreto niya [ay] ikinukuwento niya sa 'kin. Kaya sobrang marami akong alam tungkol sa bata na 'yan,” saad ni Neil Ryan.
Ikinuwento sa amin ni Neil Ryan ang mga unang eksena nila ni Miguel na ikinagulat niya. Aniya, “Noong mga first time ko siyang nakaeksena, nagulat ako. Kasi noong nakatrabaho ko siya before, maliit pa siya. Tapos ngayon binata na. So natuwa talaga ako. Sobrang nag-evolve na siya as an actor.”
Bilib din daw si Neil Ryan kay Miguel dahil napakagaling nito sa pag-portray ng isang mentally-challenged na role. “Nakakatuwa. Mabait na bata saka magaling. Pinapanood ko talaga siya kapag kaeksena ko siya. Pinapakinggan ko siya kasi marami kang makukuha sa kanya eh,” anang batikang aktor.
“Magaling 'yung attack niya. Hindi boring. Kung ganoon kasi 'yung role mo, ang hirap i-sustain noon eh. Magiging tendency mo, monotone ka lang. Pero siya, ang galing niya. Ang dami niyang ginagawa,” dagdag ni Neil Ryan.
Related Videos