Filtered By: Showbiz News | News
A Heart-felt marriage proposal
Published On: August 24, 2014, 06:54 PM
Updated On: March 2, 2020, 01:46 PM
Friends of Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero are very thrilled about their love story and how it is about to end up in the altar.
By AEDRIANNE ACAR

They are perfect for each other.
Kapuso actress Heart Evangelista and Senator Francis “Chiz” Escudero are finally getting married. The senator proposed to Heart late Saturday night while they were on a trip in his province of Sorsogon.
Heart’s showbiz friends and celebrities instantly posted their well wishes in their social media accounts aside from sending their personal greetings.
Lovi Poe posted the video of the proposal in her Instagram account kung saan makikitang very emotional si Heart.
Base naman sa post ng kaibigan ni Heart na si Alessandra de Rossi sa Instagram kagabi, isang beautiful diamond engagement ring ang ibinigay ng politician sa Startalk host.
May caption ang post na:
Congrats @iamhearte @iamchize!!!!!!!!!!!!!! ???????????????????? yahoo!!!
Hindi naman maitago ng isa sa mga itinuturing na bestfriend ni Heart na si Solenn Heussaff ang excitement sa engagement ng magkasintahan.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa Sunday All Stars performer sinabi niya:
“Super masaya ako para sa kanya kasi well were coming to that age then di ba at very serious sila. Sobrang bait si Chiz kay Heart so gustong-gusto namin lahat para sa kanya. So congratulations talaga, Heart, I’m so happy and I’m excited para sa wedding.”
Kuwento pa ng Sunday All Stars mainstay, hindi kataka-taka that the two ended up together kasi maganda ang samahan nilang dalawa.
“Kasi they work well together. Simple lang sila together kasi may times na kung may boyfriend ka na magkaiba ‘yung views nila maraming ups and downs. Pero super stable sila, super super ganda talaga ng relationship nila at happy talaga sila. And ‘yun ang importante na maging happy siya (Heart).”
Sobrang tuwa rin ng Pinoy Pop Superstar Grand Champion at fellow cast ni Heart sa Sunday All Stars na si Jonalyn Viray for the couple's engagement.
Ipinayo rin ng Kapuso singer na lagi silang humiling ng gabay sa Diyos to bless their relationship.
“To Heart and to Mr. Chiz Escudero, congratulations to both of you. Ang wish po namin, sana forever and endless love lang sa inyong dalawa and of course, more babies to come," ani Jonalyn.
"Basta maging happy family po kayo and don’t forget to put God first in everything you do sa mga magiging desisyon niyo po sa buhay niyo. Congratulations and we're happy po para sa inyong dalawa” dagdag niya.
Bridged by Sen. Miriam Santiago
Nabuo ang mabuting pagtitinginan ng dalawa sa tulong ni Senator Miriam Defensor-Santiago na naging tulay ng couple.
Kinuwento ni Heart sa interview sa isang magazine na binigyan daw siya ng listahan ni Senator Miriam kung sino-sino ang puwede niyang i-date at si Chiz daw ang una sa listahan.
Kagagaling pa lang ng Kapuso actress noon sa break-up from her ex-beau, Brazilian-Japanese model Daniel Matsunaga, at wala pa raw siyang intensyon na pumasok sa isang relasyon. Ang tanging nasa isip lang daw niya noon ay makipagkaibigan.
Tila naging fairy godmother ng dalawa ang feisty senator dahil ang veteran politician pa ang nag-arrange ng kanilang date.
“One time, she even asked me, ‘Heart, do you trust me on this or not?’ This is not because she hopes for Chiz to be my boyfriend.” saad ni Heart sa isang separate interview.
Mapagbiro nga naman ang tadhana at kahit malayo ang agwat ng kanilang edad, nauwi pa rin sa pagiging boyfriend at girlfriend ang dalawa na naging official couple on July 2012.
Matinding pagsubok
Matatandaan na noong March 2013, sinabi ng mga magulang ni Heart na sina Cecile at Rey Ongpauco sa isang presscon ang kanilang mariing pagtutol sa relasyon ng kanilang anak with the senator.
Ayon kay Mr. Ongpauco, “Hindi ako nagagandahan sa ugali niya (Chiz)."
Matindi rin ang mga binitiwang salita ni Ms. Cecile at inakusahan niya ang senador na nagpupunta daw sa kanilang tahanan na lasing. Nakiusap din siya na hiwalayan nito si Heart.
UPDATE: Tila may blessing na ng ama ni Heart ang kanilang nakatakdang kasal.
Sa Instagram post ni Heart noong Linggo ng umaga, ipinakita niya ang parte ng mensahe ng kanyang ama na: "always be happy heart love u"
Sinagot ito ng aktres ng: "To my dad...thank you for loving me the way you do... my perfect morning"
Escudero was married to Christine Elizabeth Flores on 1999, but their marriage was annulled. May anak sila na fraternal twins, sina Maria Cecilia and Joaquin Cruz, na ipinanganak noong 2007.
Trip to the City of Love
Naging matibay ang pagsasama nina Chiz at Heart.
Sa katunayan naging maugong ang mga bali-balita last June na planong mag-propose ng senator sa aktres habang sila ay nagbabakasyon sa Paris, France.
Tila ang nasabing trip ng magkasintahan ang naging hint sa pinakahihintay na lahat na proposal lalo na nang mag-biro ang dalaga sa isang interview na kung saka-sakaling maiisipan ng kanyang boyfriend to pop the question ay bigyan naman daw siya ng heads up.
Ani Heart, "Nanloloko lang naman ako, super pressure. You know we're here to enjoy ourselves and sinabi ko naman sa kanya [to Chiz] na bigyan niya ako ng more or less of a heads up para kung mag-propose siya. Pero I don't think so."
Cheers to the soon-to-be Mr. Francis Joseph Escudero and Love Marie Ongpauco-Escudero!

Trending Articles
EXCLUSIVE VIDEOS