Filtered By: Showbiz News | News
Bianca Umali, Linggo lang ang pahinga?
Published On: August 12, 2014, 07:27 PM
Updated On: February 28, 2020, 05:29 PM
Gaano kapuno ang schedule ng Kapuso teen na si Bianca Umali? Ikukuwento niya sa iyo.
By AL KENDRICK NOGUERA
Ibang-iba si Kapuso teen star Bianca Umali sa mga kabataan ngayon. Independent na kasi siya sa edad na 14 dahil wala na siyang mga magulang.
Maagang naulila si Bianca nang mamatay ang kanyang ina noong 2005 dahil sa breast cancer. Pagkalipas naman ng limang taon, kinuha na rin sa kanya ang ama nang atakihin ito sa puso. Ngayon ay ang kanyang lola na lamang ang tumatayong magulang ng aktres.
Dahil ulila na nga si Bianca, kailangan niyang magtrabaho sa murang edad. Buti na lamang ay nakapasok siya sa showbiz. Ngayon ay dalawang show ang pinagsasabay ni Bianca. Ang Niño at ang weekly show niyang Ismol Family.
Paano pinagsasabay ni Bianca ang dalawang shows? “Ang taping naman po ng Niño is MWF and then ang shoot po ng Ismol Family is every Tuesday,” anang aktres.
Pero ayon sa kanya, kahit daw hindi conflict ang taping schedule ng dalawa ay medyo mahirap pa rin itong pagsabayin dahil kailangan pa rin niyang magpahinga nang maayos.
“From Niño ng Monday, kung uumagahin [ay] didiretso ako ng Ismol Family ng Tuesday. Then kung uumagahin ulit, diretso ako ng Niño. Nakakapagod! Ang pahinga ko [ay] ligo lang tapos diretso na doon. Matutulog na lang ako sa biyahe. Thursday, makakauwi na ako sa bahay,” saad niya.
Kahit na busy ang schedule ni Bianca sa kanyang showbiz career, hindi pa rin niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral. Aniya, “Ngayon na nag-start 'yung school ko. Every Thursday and Saturday akong nasa school.”
Kung tutuusin, Linggo na lamang ang natitirang araw na puwedeng ipahinga ni Bianca. Sa ganitong edad at determinasyon, malayo ang mararating ng Niño young star.
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Trending Articles