Filtered By: Showbiz News | News
Love advice from Jean Garcia
Published On: September 26, 2013, 05:12 PM
Updated On: September 13, 2020, 02:13 AM
Host ngayon ng GMA News TV show na Love Hotline ang seasoned actress na si Ms. Jean Garcia. A unique primetime experience, Love Hotline answers puzzling love problems experienced daily by lovestruck viewers.
Host ngayon ng GMA News TV show na Love Hotline ang seasoned actress na si Ms. Jean Garcia. A unique primetime experience, Love Hotline answers puzzling love problems experienced daily by lovestruck viewers.
Araw-araw at 7 pm, nagbibigay ng practical solutions to featured love problems through heart-to-heart conversations sa pagitan ng host na si Ms. Jean, ang love expert na si Ms. Ali Gui at isang guest male celebrity.
Sa pocket press conference ng nasabing programa noong September 16, isa-isang sinagot ni Ms. Jean Garcia ang ilang tanong tungkol sa pag-ibig galing mismo sa members ng press.
Narito ang mga katanungang nasagot ni Ms. Jean:
Sa panahon ngayon, ano ang iyong masasabi sa kasabihang “When we’re hungry, love will keep us alive” ?
“Wala sa materyal na bagay ‘yan, eh. May mga tao na hindi naman importante na ‘yung girlfriend mo o boyfriend mo ay mayaman. Siguro it’s about time din na isipin natin na hindi dapat tayo umaasa. Dapat lumaban din tayo sa buhay. I mean, siguro kung bata ka, magtapos ka ng pag-aaral, tapos magkaroon ka ng trabaho para mayroon kang sariling pagkakakitaan para hindi ka kailangang umasa o maging dependent sa ibang tao. Nakakalungkot pero merong mga tao na kailangan nila talagang gawin ‘yun because kailangan tumulong sa pamilya st mga mahal sa buhay.”
Have you found your true love?
“May nagbibigay sa akin ng inspirasyon besides my two kids, so yes, I think eto na siguro. Sana po eto na ‘yung true love ko talaga, so I’m praying for it and sana forever na kasi lahat naman tayo, lalo na’t habang tumatanda, kailangan natin ng partner sa buhay. Lahat po tayo ay may karapatan po na maging masaya."
Paano malalaman na naka move on na ang isang tao sa kanyang past relationship?
“Depende sa tao ‘yan, kasi tayo kapag nagmahal, nagkakaroon tayo ng heartaches, nahihinto ang relasyon at naghihiwalay. Magte-take ka talaga ng risk ‘pag nag open ka ulit sa pagmamahal, talagang hindi mo naman alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Siguro more on huwag natin ibintang sa nakarelasyon natin in the past ang problema. Isipin natin kung ano ba ang nagawa natin? Kailangang i-accept natin ‘yun at ready tayo to change. Kailangan may pagbabago para ‘yung next relationship, matututo tayo kung paano. Kung hindi pa rin ‘yun, ok lang ‘yun sa love kasi ‘yan ang pinakamasarap na feeling eh, ang magmahal at mahalin ka in return.
Catch more of Jean Garcia in Love Hotline, weeknights at 7 pm, only on GMA News TV. For more updates on your favorite Kapuso stars and shows, log on to www.gmanetwork.com. -Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Trending Articles