Filtered By: TV | News
TV

The Kesz Valdez Story on Magpakailanman

Updated On: October 31, 2020, 11:00 PM
Sa masalimuot na mundo ng libu-libo nating mga batang-kalye, may isa na namukod-tangi: ito si Kesz Valdez.



 

Sa masalimuot na mundo ng libu-libo nating mga batang-kalye, may isa na namukod-tangi: ito si Kesz Valdez.

Walang pinagkaiba si Kesz sa ibang mga batang-kalye na ipinanganak at pinalaki sa tambakan ng basura. Tulad ng mga kasamahan sa landfill, isang kahit at isang tuka ang pamumuhay ng kaniyang pamilya, at kapag walang kita, napagbubuntungan siya ng galit ng kaniyang ama.

Pero kahit ganoon pa man, hindi nawawalan ng pangarap si Kesz: na yumaman, na makaalis sa lugar na kinalakihan—na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina at mga kapatid.
At magbabago ang buhay ni Kesz nang isang gabi ay malagay sa peligro ang buhay niya. Dahil sa walang kapera-pera, mapipilitan lumapit ang kaniyang ina kay Teacher Bonn, isang mapagmalasakit na teacher sa area nila.

Dahil sa kondisyon ni Kesz, mapipilitan ang ina niyang iwan siya kay Teacher Bonn. ‘Yun nga lang, ang akala ni Kesz ay sa paggaling niya ay babalikan rinsiya ng ina. Laking gulat nito nang hindi na muling magpakita ang ina sa kaniya. Naisip kasi nito na mas magiging maganda ang buhay ni Kesz kung tuluyan na itong mamuhay kasama ng guro.

Sa una ay hindi matatanggap ni Kesz ang bagong buhay. Hindi niya gusto ang mawalay sa ina, kahit gaano pa man kabuti ni Teacher Bonn sa kaniya. At dahil sa laking kalye si Kesz, may mga nakasanayan rin siyang hindi madaling talikuran. Kabilang na rito ang pangungupit, na siyang gagawin niya kay Teacher Bonn.

Ganoon pa man, hindi magagalit si Teacher Bonn. Bagkus ay uunawain pa niya ang lagay at pinanggagalingan ng bata. Ito ang magiging turning point sa buhay ni Kesz, kung saan niya makikita na hindi lahat ng tao ay makasarili—na may mga taong may tunay na malasakit sa kapwa.

Pero paano nga ba tuluyang tatalikuran ni Kesz ang nakasanayan? Paano niya itutuwid ang landas niyang matagal nang binaluktot ng buhay?

Ilan lang ‘yan sa mga kuwentong sasagutin sa aming pagtatanghal ng life story ni Kesz Valdez, ang International Children’s Peace Prize awardee noong 2012, sa natatanging pagganap ni Vincent Magbanua (Indio) bilang Vincent, at Benjie Paras bilang Teacher Bonn.

‘Wag kalimutang tutukan ang Magpakailanman, ngayong Sabado, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.