Filtered By: Showbiz News | News
Dingdong Dantes and Marian Rivera treat their fans to a birthday blowout at the Big Dome
Published On: August 28, 2008, 12:00 AM
Updated On: February 19, 2020, 10:18 AM
Dingdong Dantes and Marian Rivera, with the help of other Kapuso stars, entertain friends and fans with grand production numbers during their birthday concert.
Get your daily dose of hot gossip here on iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Sa kabila ng kontrobersiya na bumalot kaugnay ng birthday concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Let's Celebrate: The Marian-Dingdong Birthday Blowout!, ay matagumpay itong naidaos kagabi, August 27, sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Matatandaang naging malaking isyu ang pagtatapat ng birthday concert nina Dingdong at Marian sa first day of showing ng pelikula ng kapwa Kapuso star nila na si Richard Gutierrez kasama si KC Concepcion, ang For The First Time ng Star Cinema. Pero ganun pa man, parehong naging successful ang dalawang malaking events na ito sa career ng apat na nabanggit na artista, dahil ang balita ay umabot sa P14 million ang kinita ng For The First Time sa unang araw nito samantalang very successful naman ang birthday concert nina Dingdong at Marian.
Halos puno ang Araneta Coliseum kagabi hanggang sa bleacher, maliban sa Upper Box A kung saan maraming bakanteng upuan. Ayon sa mga taga-GMA-7 ay may ilang ticket holders ang hindi nakarating kaya kahit na marami pang tao sa labas ay hindi rin sila pinapasok dahil mahigpit na ipinatutupad ng Big Dome ang no ticket-no entry policy. Halos magsisiksikan naman na sa patron at lower box section sa dami ng tao at may ilan pa ngang nagkasya na lamang tumayo para mapanood ang show.
Except for Atty. Felipe Gozon and Mr. Jimmy Duavit, in full force na dumating ang GMA-7 executives led by Ms. Wilma Galvante and all its program managers and executive producers. Tila itinigil muna yata lahat ng tapings that night para sa birthday blowout nina Dingdong at Marian.
Bukod sa kanila ay namataan din namin ang creative consultant ng GMA-7 na si German Moreno, MTRCB Chairman Consoliza Laguardia, Dra. Vicki Belo, at ang mga pamilya nina Dingdong at Marian.
Seven p.m. ang sinabing simula ng Let's Celebrate, pero eksaktong alas-nuwebe na ito nagsimula. The whole show highlighted Dingdong and Marian's dancing prowess, although meron din silang mga song numbers.
Nagsimula ang programa with a grand production number involving throngs of dancers at ang La Diva ng SOP na sina Aicelle Santos, Maricris Garcia, at Mae Flores. Pagkatapos nito ay dumagundong ang buong Araneta nang lumabas sina Dingdong and Marian in a silver luxury car. Parehas ding naka-silver ang stars ng Dyesebel. Dito na sinimulang ipinamalas ng magka-love team ang husay nila sa pagsasayaw.
After this ay bumalik ang La Diva singing a medley of "Sweet Escape" and "Queen of the Night." Later on the show ay nagkaroon ng separate spot numbers sina Aicelle at Maricris, both GMA Records artists, rendering their hit songs "Ikaw Pa Rin" and "Bakit Ikaw Pa Rin," respectively.
After the La Diva medley, Dingdong did a Latin-inspired dance number with six of the most sought-after young actresses in GMA-7: Iza Calzado, Sunshine Dizon, Yasmien Kurdi, Bianca King, Iwa Moto, and Diana Zubiri.
Kung si Dingdong ay napaligiran ng mga magaganda at seksing babae, hinarana naman si Marian ng Kapuso male stars na sina Mark Anthony Fernandez, Paolo Contis, Dr. Hayden Kho, Alfred Vargas, Marvin Agustin, at ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid, who also celebrated his birthday yesterday. Bawat pasok ng mga nagharana kay Marian ay grabeng tilian ang natanggap nila mula sa audience.
Isang sexy dance number ang isinunod agad featuring Dingdong and Marian to the tune of "Careless Whisper."
Binigyan din ng spot number ang dance groups na Maneouvres at Speed bago ang dance number ni Marian, kung saan sinayaw niya ang mga pinasikat niyang sayaw mula sa kanyang dance album—"Chiquita," "Walk Like An Egyptian," at "So Sexy." Sinamahan siya rito nina Rochelle Pangilinan, Regine Tolentino, at ng Abztract Dancers.
Bago ang song number ni Dingdong na "This Thing Called Love" ay may ipinakita munang VTR kung saan nag-reminisce at bumati ang mga nakasama niya before sa trabaho. Nagsalita rin ang ina ni Dingdong at ikinuwento ang pagsisimula ng young actor showbiz. Nagpakita rin ng rare clips ng mga commercials at audition ni Dingdong, who started appearing on TV commercials at the age of four.
After Dingdong's song number ay isang sexy number naman ang ginawa ni Marian, na naka-nightgown lang, habang kinakantahan ni Jay-R sa saliw ng awiting "Love Won't Let Me Wait." But before this, ay meron ding VTR na inihanda para sa kanya kung saan nagbigay ng mensahe ang mga malalapit sa puso niya.
Jay-R did a spot number singing his hit song "One Hundred Ways" from his latest album.
Ipinamalas muli ni Dingdong ang kanyang galing sa pag-indak kasama ang Dance Squad, Kids at Work, at Maneouvres. Sa hindi nakakaalam, dating miyembro bg dance group na Abztract si Dingdong bago siya sumabak sa pagiging artista.
Pagkatapos nito ay lumabas ang Las Piñas Boys Choir kung saan kinanta nila ang "Ikaw" habang ipinapakita sa giant screen ang mga ilang eksena nina Dingdong at Marian mula sa kanilang mga teleserye.
Nanatili sa stage ang La Piñas Boys Choir at sinamahan sila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Kinanta nila ang love theme ng Marimar na "Mahal Kita."
Bago matapos ang kanta ay lumabas sina Dingdong at Marian at sinabayan nila ng sayaw. Sa pagtatapos ng kanta ay naglapat ang kanilang mga labi na ikinatuwa ng lahat kaya muli na namang dumagundong ang Araneta.
Naiwan sa stage sina Dingdong at Marian para naman sa kanilang medley of love songs—"Umbrella," "Bubbly," at "Always Be My Baby."
Pagkatapos nito ay lumabas ang lahat ng guests nina Dingdong at Marian kasama ng isang malaking cake at kinantahan sila ng "Happy Birthday."
Nagpalitan din ng sorpresa ang magkapareha bilang regalo sa isa't isa. Una muna ang kay Dingdong kung saan sa VTR na ipinakita ang formal announcement ni Dan Railey ng E! Television sa pagkakapili ng young actor bilang isa 25 Sexiest Men of the World sa isang TV special na gagawin ng E!
Hindi naman nagpahuli si Dingdong sa kanyang sorpresa kay Marian. Ang birthday wish kasi ni Marian ay makitang muli ang kanyang ama na nasa Spain, na si Mr. Francisco Javier Alonzo Gracia na limang taon na niyang hindi nakikita. Hindi man nakita ni Marian ang kanyang ama ay nagbigay naman ito ng mensahe sa anak sa pamamagitan ng recorded message. Purong Kastila ang ama ni Marian kaya Espanol ang salita nito na in-interpret ng tiyahin ng young actress na naroroon din sa Spain. Hindi napigilan ni Marian na humagulgol nang marinig ang tinig ng ama.
Pagkatapos mahimasmasan ay nagpasalamat na si Marian, pati na si Dingdong, sa lahat ng mga tumulong sa kanila upang marating ang kinalalagyan nila ngayon.
Para sa mga bumuo ng birthday concert ay ito ang mensahe ni Dingdong para sa kanila: "Sa mga tinanggap ninyong batikos at paratang ay sinuklian n'yo lamang ng katahimikan. Maraming salamat sa inyo."
Akala ng lahat ay tapos na ang show at palabas na ang lahat, pero nagulat ang lahat sa pag-entra ni Corazon (Manilyn Reynes) kasama si Fulgoso. Natapos ang programa ng bandang 11:30 p.m. sa pamamagitan ng isang Brazilian-inspired dance number. -- PEP (Philippine Entertainment Portal)
Were you at the event too? Talk about Let’s Celebrate at the iGMA Forums! And if you weren’t able to catch it live, tune in this Sunday, August 31 on GMA-7 after Ful Haus for the televised version of the event.
And continue to catch the DongYan fever every weeknight on Mars Ravelo’s Dyesebel, part of GMA’s Telebabad block.
Bonding with your favorite Kapuso stars has never been easier! Feel the fun through Fanatxt by texting DINGDONG or MARIAN to 4627! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is exclusive for the Philippines only.)
Trending Articles