Celebrity Life

Bakit nagparinig si Megan Young kay Mikael Daez?

By Cara Emmeline Garcia

Kuhang-kuha sa camera ang pagkahiya ni Megan Young sa kanyang asawa na si Mikael Daez magtapos magreklamo na nagparinig daw ang former beauty queen na hindi raw siya binati ng “happy birthday.”

Ani Mikael, “Happy birthday Boneezy [ang palayaw ni Megan]!!

“Pasensya na po talaga at late ang greeting ko by THREE WHOLE MINUTES!!!

“Hirap talaga ng buhay ko. Napakademanding ni jowa-bels...ay wait...asawa-bels na pala! Labyu!”

Pabirong dagdag nito, sisikapin raw niyang galingan sa susunod na taon.

“Next year, sisikapin ko na two minutes late nalang. #AnyImproventIsSTILLImprovement”

Sambit raw kasi ni Megan nang hindi ito batiin ng kanyang asawa, “Tulog na tayo!” kaya napareklamo si Mikael sa Instagram.


Turning tables

Isa siguro sa dahilan kung bakit nagreklamo si Megan ay dahil maraming beses na itong nakakalimot sa kaarawan ni Mikael.

Sa katunayan noong nakaraang taon ay nakalimutan ni Megan na batiin si Mikael ng “happy birthday” at “happy anniversary” sa loob ng isang araw.

Documented rin ang funny moment na ito ni Mikael sa Instagram kung saan umani na ng maraming views at likes sa social media site.

Aniya, “I'm not one to celebrate my birthday. I don't even remember the last time I threw a party or dinner.

“However, what I do remember, is to check whether or not Megan [whom I am ALWAYS with when the clock strikes 12] will remember to greet me!!

“This year, she forgot hahaha. That makes her a clean 50% on-time greet-er not that I'm complaining.

“It's a lovely quirk and I'm always guessing if she'll remember or not."

At siyempre, 'di pa nagtatapos diyan ang pagbisto ni Mikael.

“Not only did miss bata forget someone's birthday, but she also forgot a very important couple's ANNIVERSARY I shall let her reaction speak for itself.”

Sinorpresa nina Mikael at Megan ang kanilang fans nang i-anunsyo nila noong January 25 na ikinasal na pala sila noong January 10 kasama ang walo nilang kaibigan sa Calaruega, Batangas.

Kasabay ng rebelasyon na ito, inamin rin nila na may ikalawang wedding rin silang magaganap sa parehong araw kasama naman ang kanilang buong pamilya.

Balikan ang kanilang fondest memories nila sa isa't isa sa video na ito:

LOOK: Mikael Daez recounts his “firsts” with bride Megan Young

WATCH: Megan Young, Mikael Daez reveal reason they kept their engagement a secret