Lolit Solis reminisces about former 'Darna' star Nanette Medved
Nag-post ang entertainment columnist at talent handler na si Lolit Solis tungkol sa dating Darna star na si Nanette Medved. Naikuwento niya ang mga pinagdaanan ng dating aktres upang ma-achieve ang tagumpay na tinatamas niya ngayon.
Aniya, "Darna, bongga bigla ko tuloy naalala nang mag-Darna si Nanette Medved. Kaloka dahil sa parada ng filmfest, buong parada naka-costume ang Nanette. Eh ang init-init at tirik ang araw, ha. Pero ngayon, feel na feel ko ang yabang. Imagine isa sa tatlong Filipino sa Forbes lists ang name ni Nanette Medved Po sa mga nakalista dun. Nun pa man, after ng Filmfest scam, nakita ko na ang strength of character ni Nanette. Hindi siya nagpabaya, instead of sulking in a corner nag-aral siya at graduate siya Babson college sa Boston, ikinasal sila ni Chris Po sa South Africa at hindi siya tulad ng iba na rampa nang rampa at ipinagyayabang kung anuman ang pag-aari nila. Siguro naman tulad ni Dawn Zulueta na buwena pamilya ang mga Lagdameo, maaaring i-flaunt din niya ang mga damit, alahas at bag na pag-aari nila but they never did, tahimik lang sila walang yabang tunay na buena pamilya, tunay na may pinag-aralan kaya tahimik lang."
Dagdag din ni Nanay Lolit na sana ganito ka-humble rin ang maging attitude ng mga artista ngayon. Ika niya, "How I wish maging ganito ang attitude ng mga artistang nabigyan ng pagkakataong gumanda buhay, maging pilantropo, tumulong at huwag magyabang na para bang iyong mga branded items na gamit nila matatakpan na ang katotohanan na mga mistress lang sila. Biruan nga, babae sa dilim hindi mailantad dahil iyon nga hindi legal wife hah hah. Taray noh sorry ‘di sadya paalala lang."
Si Nanette ay kilala sa kanyang role bilang si Darna noong 1991. Ngayon ay nasa 2017 Forbes Magazine "Heroes of Philanthropy" list for Asia-Pacific na ang dating aktres. Si Nanette rin ay ang Founder, Chairwoman, and President ng Generation Hope Inc. & Friends of Hope Inc., isang organization na tumutulong sa pagtayo ng mga pampublikong paaralan.