Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

READ: Lolit Solis, ibinuking sa throwback photo ang secret date nina Kris Aquino at Gabby Concepcion

By CHERRY SUN
Updated On: June 16, 2017, 11:45 AM
Ayon kay Lolit, noon pa man ay crush na ni Kris si Gabby kaya kilig na kilig daw ang aktres nang makapasok sa showbiz. 

Ibinuking ni Lolit Solis ang tila secret date nina Kris Aquino at Gabby Concepcion noon gamit ang lumang litrato ng dalawa na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Lolit, noon pa man ay crush na ni Kris si Gabby kaya kilig na kilig daw ang aktres nang makapasok sa showbiz. 

May namagitan daw kina Kris at Gabby, at naisip nilang mag-date sa Anilao, Batangas, sa beach house ng aktor. Pangulo ng Pilipinas daw noon ang ina ni Kris na si Cory Aquino at hindi raw ito payag sa plano ng kanyang anak.

“Of course, hindi papayag si Tita Cory. So ang ginawa ni Tetay, nagpaalam sa mommy niya na may taping siya sa Anilao,” kuwento ng talent manager.

Dahil sa paalam na ito ni Kris sa dating pangulo, nagsagawa raw ng aerial at ocular inspection ang Presidential Security Group (PSG) noong gabi bago ang sinabing taping. Pinasamahan din daw ang aktres ng 16 PSG, mga alalay, kaibigan, at sarili niyang cook.

 

Alam n'yo bigla ko naalala Kris at Gabby sa photo na ito kalokah. Si Kris ang favorite loveteam niya ay Sharon/Gabby kaya siguro crush na crush niya si Gabby noon pa so pagpasok niya ng showbiz kilig-kiligan siya. Nakakatawa, isang incident noon presidente pa si Tita Cory medyo ek ek boyfriend girlfriend silang dalawa at naisip nila ng mag-date sa Anilao Batangas, sa beachouse Gabby. Of course hindi papayag si tita Cory. So ang ginawa ni Tetay nagpaalam sa mommy niya na may taping siya sa Anilao. Bongga, nag ocular dun ang PSG, nag aerial inspection pa the night before. So araw ng date, punta na si Kris with matching 16 PSG, mga alalay, friends at personal cook. Bongga di bah! Ito na, oras ng uwian sabi ng personal cook ni tita Cory "sumbong kita mommy mo wala naman palang taping nagkita lang kayo Gabby dito." Hah hah hah. sagot Kris "magsumbong ka mas maniniwala sa akin si mommy noh." O di ba bata pa si Kris maabilidad na at kahit bantayan pa 16 PSG lusot siya. kalokah talaga si Tetay hah hah. #throwbackkk #lolitkulit #instatalk @krisaquino @concepciongabby

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

“Bongga ‘di ba! Ito na, oras na ng uwian. Sabi ni personal cook ni Tita Cory, ‘Sumbong kita mommy mo. Wala naman palang taping. Nagkita lang kayo Gabby dito.’ Hah hah hah. Sagot [ni] Kris, ‘Magsumbong ka, mas maniniwala sa akin si Mommy ‘no,'” patuloy ni Lolit.

“O ‘di ba, bata pa si Kris maabilidad na at kahit bantayan ng 16 PSG, lusot siya. Kaloka talaga si Tetay, hah hah,” dagdag ng talent manager. 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.