Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Megan Young, nag-kuwento tungkol sa dating PA na naging best friend

By MARY LOUISE LIGUNAS
Updated On: May 4, 2017, 03:59 PM
“Yung mga ganung klaseng relationships, it’s not always about the money" - Megan Young

Hindi lumaki si Megan Young sa alaga ng isang kasambahay ngunit nagkaroon siya ng isang personal assistant na naging malapit sa kanya.

Ikinuwento niya ito sa press con ng upcoming film na Our Mighty Yaya kung saan tinanong ang cast members kung ano ang experiences nila sa mga kasama sa bahay.

“Hindi ako laki sa yaya pero I started showbiz at an early age pa lang so meron ako naging personal assistant na sobrang naging close ko dahil kababayan sila ni Mama sa Antique. Tapos parang two years apart lang kami. Fifteen [years old] ako [that time] at 17 [years old] siya,” sabi ng aktres.

 

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

 

Naging matatag ang kanilang pagsasama at malaki ang tiwala ni Megan sa kanya.

“Sobrang naging mag-best friend [kami] to the point na dun siya natutulog sa kuwarto ko [kasi] bunk bed yun. Tapos minsan, magkatabi pa kami matulog. Parang lahat ng secrets ko, alam niya so sobrang naging close kami,” dagdag niya.

Nang dumating ang panahon na kinailangan umalis ng kanyang PA, nalungkot daw si Megan. Gayunpaman, sinigurado niyang may komunikasyon pa rin sila.

 

 

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

 

“We had to part ways kasi nabuntis siya tapos gusto niya mag-focus sa family niya. Naging sad lang ako kasi nawalan ako ng best friend pero nakakatuwa kasi hanggang ngayon, nag-uusap pa kami, tapos ninang ako ng anak niya,” aniya.

Dahil ang Our Mighty Yaya ay isang pagbibigay-pugay sa mga taong nagtatrabaho at napapamahal sa mga pamilya, naalala ng Miss World 2013 titleholder ang kanyang matalik na kaibigan.

“Yung mga ganung klaseng relationships, it’s not always about the money but it’s also about the relationships na nakukuha mo so sobrang na-sepanx talaga ako. Sobrang na-miss ko siya nung kinailangan niya umalis,” sabi niya.

Ang Our Mighty Yaya ay ipapalalabas sa mga sinehan nationwide simula May 10.

MORE ON OUR MIGHTY YAYA:

'Our Mighty Yaya,' inspired ng dating kasambahay ni Direk Joey Reyes

AiAi Delas Alas, lumibot sa mga palengke para mag-promote ng 'Our Mighty Yaya'

'Our Mighty Yaya' official trailer hits 1.5 million views

 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.