WATCH: Ano ang sagot ni Marian Rivera sa kasal ng kaniyang best friend na si Aiai delas Alas?
Excited na ang Kapuso power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa nalalapit na trip nila sa Europe.
Sa panayam sa misis ni Dingdong sa Chika Minute, nagkuwento ito ng ilang detalye ng kanilang itinerary.
Saad niya, “Kasi ‘yung kaibigan ko ikakasal sa Italy so pupunta kami dun nanamnamin namin dun, iikot-ikot na kami. Pero ang pinaka-ending namin na pupuntahan ay si Papa, kasi gusto niya makita si Zia.”
Nagagalak din si Marian na ikakasal na ang kaniyang “kambal” na si Comedy Queen Aiai delas Alas sa boyfriend niya for three years na si Gerald Sibayan.
Aiai delas Alas and Gerald Sibayan get engaged on third anniversary
Matatandaan na noong Holy Week break ay nag-propose si Gerald sa award-winning comedian.
Kinumpirma naman ng Kapuso Primetime Queen sa Chika Minute na sagot niya ang wedding gown ng kaibigan.
“Sabi niya, 'Ay naku kambal, 'pag kinasal ka,' sabi ko 'ano gusto mo?' Sabi niya 'Ikaw.' So sige, sasagutin ko ‘yung wedding gown mo na nagkatotoo naman na-engage siya, so sobrang happy ako sa kaniya.”
MORE ON MARIAN RIVERA:
MUST-SEE: Marian Rivera, bakit kinilig sa Instagram post ng former 'Mulawin' star Angel Locsin?
WATCH: Viral videos of Marian Rivera and Baby Z in twinning outfits
MUST-READ: Marian Rivera's heart-warming message to Flora Vida patronizers