Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

“Kahit hindi Valentine’s Day, sweet naman si Dong.” –Marian Rivera

Updated On: March 28, 2020, 11:02 PM
Ilang taon na tayong pinapakilig ng power couple na si Dingdong Dantes at Marian Rivera. Mapa on-screen o off-screen man, bagay na bagay talaga ang dalawa. Ano kaya ang kanilang sikreto sa kanilang matibay na relasyon?
Ilang taon na tayong pinapakilig ng power couple na si Dingdong Dantes at Marian Rivera. Mapa on-screen o off-screen man, bagay na bagay talaga ang dalawa. Ano kaya ang kanilang sikreto sa kanilang matibay na relasyon?

Nakakuwentuhan namin ang Kapuso Primetime Queen nang bumisita kami sa set ng Carmela ilang araw bago ang Valentine’s Day. Ibinahagi ni Marian na hiningi ni Dingdong ang kanyang February 14, at walang pag-aalinlangang ibinigay naman niya ito.

Nang tanungin naming siya kung ano ang plano nila ni Dingdong, nangingiting sinabi ng aktres na maski siya ay hindi alam ang mangyayari. Mahilig daw kasi si Dingdong sa surprises. Alam lang niya na may pupuntahan sila pero hindi niya alam kung saan.

Base sa mga posts ng aktres sa Instagram, sa Balesine Island nagdiwang ng Valentine’s Day sina Dingdong at Marian. Ang madalas na bonding activity ng power couple ay ang pagbisita sa iba’t ibang lugar. Noong December ay sa Laos naman pumunta sina Dingdong at Marian. Bonding activity din daw nila ang pagkain at lagi silang magkasama sa food trip.

Bukod sa pagkakasundo nina Dingdong at Marian sa kanilang mga interes, paano nila napapanatiling masaya ang kanilang lalong tumitibay na relasyon?

Anang Kapuso Primetime Queen, “Siguro kasi, kahit hindi Valentine’s, sweet naman si Dong. Ganun kaming dalawa. Kahit anong busy namin, nagkakaroon kami ng time para sa isa’t isa.”

Nabanggit din niya sa isang interview sa kanya ng GMA Social Media team na sa punto ng kanyang buhay ngayon, masaya siya at ang puso niya ay puno ng pagmamahal.

Ika nga niya, “Yes! Love, love, love.”

Abangan ang nakaka-in love na si Ms. Marian Rivera sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, gabi-gabi pagkatapos ng Adarna sa GMA Telebabad.

-Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.