Filtered By: Celebrity Life | Hobbies and Interests
Celebrity Life

Rochelle Pangilinan, may hugot sa pagbe-bake

By Aedrianne Acar
Ano ang nangyari sa ginawang tinapay ni Rochelle Pangilinan?

Tulad ng ibang celebrities, binuhos din ni Rochelle Pangilinan ang kanyang libreng oras para mag-aral ng bagong skills habang nananatili sa bahay dahil sa pinaiiral na modified enhanced community quarantine.

LOOK: Celebrities get into baking during the enhanced community quarantine

Sa latest Instagram post ng Encantadia star, proud nitong ipinakita ang resulta ng pagbi-bake niya ng tinapay sa unang pagkakataon.

Ayon sa misis ni Arthur Solinap, "First time kong gumawa ng bread! Sa picture na to ay tuwang tuwa ako!

"Wala akong bread pan, kaya kung ano lang lagi available na gamit sa bahay yun ang ginagamit ko, kaya ganyan ang size nya."

Ang problema may dalawang makukulit na kasama nila sa bahay ang kumain ng ginawa niya.

"Mukhang masarap at successful naman ako, kaya nilagay ko sa dining table para palamigin bago hiwain.

"'Pag check ng asawa ko @arthursolinap wala na ang bread,nawala sa isip ko pagala-gala nga pala ang mga alaga naming sina Argus at Mishka. Alam n'yo na nangyari!"

Napahugot na lamang ang Kapuso actress sa mga nangyari. Post ni Rochelle, "Gumawa ulit ako ng panibago successful ulit!

"Kahit sa buhay, ganun lang lagi... kapag nadapa bangon lang besh! #dahilsatinapayHugotbesh."


Natawa naman ang BFF ni Rochelle na si Andrea Torres sa Instagram post nito.

Dating nagkatrabaho ang dalawa sa afternoon soap na Ang Lihim ni Annasandra noong 2014.

Rochelle Pangilinan, mas espesyal ang kaarawan ngayong 2020

Rochelle Pangilinan has given birth to a baby girl!

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.