Filtered By: Showbiz News | News
Prince Stefan: A Million Thanks to All!
Published On: March 21, 2007, 12:00 AM
Updated On: July 13, 2020, 06:34 AM
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Mahal na Panginoon at biniyayaan Niya ako ng isang pamilya na nagbigay lakas at todo suporta sa akin
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Mahal na Panginoon at biniyayaan Niya ako ng isang pamilya na nagbigay lakas at todo suporta sa akin sa pag sali ko sa starstruck, the next level. maraming hirap ang aking pinagdaanan dito sa competition na ito at kung minsan, pinaghinaan ako ng loob, kasi akala ko walang tumutulong sa akin. Yun pala, lahat ng pamilya ko, mga kamag anak ko, Suelo, Anlocotan, Diaz, Villanueva, Sueno, Solivio, Sionosa, Sa ang, Lademora at marami pang iba ay nanjan lng pala at sila ang nagsumikap na matulungan ako sa text votes at online votes kaya ako napasali sa Final six. Madamo nga halok sa inyo tanan...
Ang nationwide malltours namin ay naging isang malaking opportunity rin para makita ko ang aking tunay na ina (Mama Liza), aking kapatid na si Michelle Louise, kanyang mga anak na si Mizzy at Angel, mga pinsan ko, mga tita at tito ko sa Davao City. It was a big surprise ng sumulpot sila dun at isipin lng kung ano kalayo ang kanilang pinaggalingan sa Marbel, South Cotabato, mga 8 hours na travel by land. Na touch ako talaga ng makita sila at pareho kaming nag iyakan at nagyakapan, si Auntie Elvie nandun din, si Giselle, Shasha at anak na si Moshe, si Edmon at Kuya Weng nandun din. Masaya talaga ako sa Davao City kasi masyadong warm ang pag welcome sa amin dun....
Sa Cebu naman, bumawi ang Anlocotan family dun, laking gulat ko kasi ang daming streamers dun para sa akin. Wow, aminin ko talaga, sobrang saya ko kasi mga taong di ko kilala, panay sigaw ng pangalan ko. Daghang Salamat sa taga Cebu ug hinaut unta nga padayon gyod ninyo ako nga suportahan.
Iloilo was so alive when we arrived at the airport. Tremendous and spectacular ang pagsalubong nila sa amin. Grabe talaga, andun ang V6 community headed by Mareng Pebbles Yap, mga taga Oton at Florvel Homes na neighbors namin nandun para magbigay suporta, taga Univ. of San Agustin HS Department, Quezon Elementary School, Oton National HS, univ. of St. Paul's at marami pang iba. May tribe pa na sumundo din sa amin. Wow, welcome daw sa kingdom of Prince Stefan???? ganyan na ba talaga ako kamahal ng taga Iloilo??? naluha po ako. Maraming salamat sa kanila lalo na kay Uncle Raul Anlocotan, kay Manong Eric Reloj, Mam Lorna Tubid , at taga Florvel Homes na sumama sa motorcade, mahigit silang 30 vehicles lahat na sumama sa paglivot namin sa buong siyudad ng Iloilo. Pinasasalamatan ko din ang taga GMA 6, station manager, mga TV crew at iba pang staff sa overwhelming support na ibinigay nila sa akin. Utang ko sa inyo ang malaking tagumpay ng malltour namin sa Iloilo.
Sa Mallshow, mas grabe pa ang mga tao. Sabi nila public holiday daw kahapon sa Iloilo kasi mga estudyante, mga empleyado, mga trabahante at iba pa ay dinumog ang show namin sa SM City. Parang nakalutang ako sa langit, kasi di ko akalain na ganun pala karami ang mga tao dun. Nagpapasalamat ako kay Mama Irene, kasi alam ko siya ang tumulong ng malaki rin sa malltour namin sa Iloilo. Si Mommy at Daddy Ivan sa New Zealand, alam ko na sumasakit na ang ulo sa gastos ko sa Starstruck pero patuloy pa rin akong sinusuportahan, tnx din k Grimlock sa tulong nya maraming salamat sa inyo. I love you all!!!!
Read more
Trending Articles
EXCLUSIVE VIDEOS